Tag Archives: Kagulong

[Event] World Day of Remembrance for Road Traffic Victims | KAGULONG

#HumanRights #RoadSafety

Sa ika-21 ng Nobyembre, nananawagan uli ang buong daigdig upang alalahanin ang mga nasawi dahil sa aksidente sa kalsada. Araw-araw dito sa Pilipinas ay humigit-kumulang sa 34 na katao ang namamatay dahil dito.

Kailangan nating ipagtanggol ang karapatang mabuhay! Kailangan nating manawagan ng ligtas na kalsada para sa lahat!

Read more

[Event] TAKBONG TRENTA MOTORCADE! | KAGULONG

#HumanRights #RidersRights

TAKBONG TRENTA MOTORCADE!

Inaanyayahan natin ang lahat na makibahagi ika-23 ng Mayo, sa pagkakaisa ng mga riders, siklista, motorista at mga komyuters sa huling araw ng UNITED NATIONS GLOBAL ROAD SAFETY WEEK.

Huling araw na maghuhudyat ng simula ng mas malawak na pagkilos para sa kaligtasan sa kalsada. Tayo po ay naniniwala at positibo na malaki ang ang bilang na maililigtas nating buhay ng mga kabataan at iba pa kung magbabawas tayo bilis ng ating mga sasakyan. Nangyari na ito sa ibang bansa, nang itakda nila ang bilis ng mga sasakyan sa 30kph speed limit sa mga mga mataong kalsada kaya hindi ito imposible sa atin. Lalu pa at may batas na tayo hinggil dito. Ang kailangan lang ay seryosohin ang implementasyon at maipabatid ito sa lahat ng mga gumagamit ng kalsada.

Read more

[Statement] Kami ay mga manggagawa din! | KAGULONG

#HumanRights #Workers

Ang pandaigdigang araw ng mga manggagawa ay mahigpit naming niyayakap bilang mga araw din ng mahigit sa 90% mananakay ng motorsiklo.

Kami ay mga manggagawa din!

Bahagi kami ng mahigit apat na milyong walang trabaho o natanggal sa trabaho dahil sa pandemya. Bahagi rin kami ng mahigit anim na milyon na walang maayos o permanenteng mapapasukang trabaho. Katulad ng mga manggagawa at mga maralita, pumipila din kami para makakuha ng kakarampot na ayuda at pumipila din kami sa mga community pantries upang kahit paano ay may maipakain sa aming pamilya.

Katulad nila umasa din kami na mawawala na ang endo endo sa ilalim ng administrasyong ito, dahil karamihan din sa amin ay mga kontraktwal. Kaso binola lang pala tayo ng palpak na presidenteng ito at vineto niya ang batas na magwawakas sana sa endo.

Read more

[Press Release] “Uber drivers are workers”: Riders group welcomes British SC decision on gig workers -Kagulong

#HumanRights #Workers

“Uber drivers are workers”: Riders group welcomes British SC decision on gig workers

The riders’ group Kapatiran sa Dalawang Gulong (Kagulong) greeted with enthusiasm the British Supreme Court’s decision declaring Uber drivers as workers. The landmark decision has finally settled a legal battle between the giant ride-hailing up and two of its workers who brought the issue before the courts in 2016 on whether they should be treated as workers of the company or self-employed.

Uber is also facing similar complaints in many other countries.

The Court said as reported in British newspapers, Uber drivers are workers “the moment they log-on until they log-off the Uber app.” Therefore, as workers, they are entitled to at least the minimum wage, holiday pay, and other benefits due for regular workers.

“Nakasisiya ang desisyon para sa aming mga manggagawang riders. Sa wakas ay mayroon nang jurisprudence sa isyung ito ng mga tinatawag na gig economy workers na maaring paghalawan ng mga korte ng iba’t-ibang bansa katulad ng Pilipinas,” stated Kagulong spokesman Robert Perillo.

Perillo, who is also the President of the Bulacan Motorcycle Riders Confederation (BMRF), said many of their members are working as riders/drivers in many app-based logistics services, thus, the legal resolution on their employment status is the first important step in promoting and protecting the gig economy workers’ basic rights and better working conditions.

According to BBC news, the court considered several elements in its judgement:
 Uber set the fare which meant that they dictated how much drivers could earn
 Uber set the contract terms and drivers had no say in them
 Request for rides is constrained by Uber who can penalize drivers if they reject too many rides
 Uber monitors a driver’s service through the star rating and has the capacity to terminate the relationship if after repeated warnings this does not improve

As an organized rights-based riding community, Kagulong has been receiving complaints from fellow riders working in different companies. Common among these complaints, similar to what the Court has resolved, is their imposed status as “independent contractors,” and the way hailing app exercises control over the performance of their jobs.

“Ngayong may batas na maari nang pagbasehan, wala nang dahilan ang ating mga ahensya tulad ng DOLE na sabihing hindi maaring harapin ang ilang isyu na nakahapag dito tulad ng reklamo ng mga manggagawa sa Food Panda na hindi pa hinaharap ng management sa dayalogo,” explained Perillo.

Kagulong called on riders/drivers from different companies to welcome this decision and organize themselves into union or workers’ associations to be able to defend their rights and secure better working conditions in the gig economy.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

[Event] Halina at magsama-sama tayo sa linggo ng pandaigdigang paggunita sa karapatang pantao -Kagulong

#HumanRights #HRweek2020 Halina at magsama-sama tayo sa linggo ng pandaigdigang paggunita sa karapatang pantao

Ang ating karapatan bilang tao ang siyang salalayan ng ating mga karapatan bilang mga mananakay ng motorsiklo.

Kung wala tayong karapatan, hindi natin mararanasang bumiyahe ng malaya at ligtas. Ang ating mga karapatan ay siyang nagsisilbing proteksyon natin sa diskriminasyon at pang-aabuso.

Kaya sa Ika-6 ng Disyembre ganap na 7:00 ng umaga ay magkita-kita tayo sa Bantayog ng mga Bayani, kanto ng Quezon Avenue at EDSA. Magkakaroon tayo ng maikling programa at tayo ay magsasagawa ng unity ride.

GEAR UP! STAND UP! LET’S RIDE FOR HUMAN RIGHTS!

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.