#HumanRights #Environment

Matagumpay nating nai-daos ang Coastal Clean-up Drive at Environmental Discussion na tumalakay sa kalagayan ng ating mundo sa paglala ng krisis sa klima at kung ano ang kasalukuyang kalagayan at isyung hinaharap ng sektor ng mangingisda.
Ito’y pinangunahan ng Young-BEAN Orion sa komunidad sa Capunitan, Orion na dinaluhan din ng mga kasama mula sa ibat-ibang Chapter. Kasama din natin ang PANGISDA Bataan sa pagsagawa ng aktibidad na ito. Dito ay aktuwal nating nasaksihan ang malaking problema at isyu ng lumalalang polusyon ng plastic sa ating karagatan. Inilitaw din ng aktibidad na ito ang napipintong proyektong reklamasyon at pagpapaalis sa mga mangingisda at mamamayang naninirahan sa Kabilang Ilog, Capunitan, Orion na patuloy na nagpapahirap sa sektor at komunidad.
Kaugat nito ang ating matinding pag tutol sa walang kontrol at limitasyon ng mga korporasyong patuloy na lumilikha ng plastic, gayun din sa ating pagtutol sa mga proyektong reklamasyon sa ating mga baybay dagat at dislokasyon sa ating mga mangingisda at mga komunidad sa baybay dagat. 🌱❤️🔥
“Ating kamtin ng sama-sama ang isang lipunang may pag-ibig sa kalikasan!” #coastalcleanup #FebIbig #YoungBEAN #ClimateJusticeNow #ClimateAction #SaveOurSeasSaveOurPlanet




![[Statement] PAHRA condemns U.S. strikes in Venezuela, calls it a blatant abuse of power and violation of human rights](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611273346_1197453659168467_684525050697177916_n.jpg?w=1024)
![[Statement] End the Aggression Now! Respect the Sovereignty of Venezuela!](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/607484560_1322029336635993_7525347165453649146_n.jpg?w=1024)
![[People] The Supreme Court and a children’s court: More justice for children | By Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/unnamed.png?w=1024)
![[Press Release] EcoWaste Coalition Assembles in Plaza Miranda to Press for Waste-Free Conduct of Traslacion 2026](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/1000076026.jpg?w=1024)
Leave a comment