[Statement] Pahayag ng Suporta at pakikiisa sa Manggagawa ng ACCEs |AMBA-BALA

Pahayag ng Suporta at pakikiisa sa Manggagawa ng ACCEs

Sumusuporta at nakiki-isa ang Alyansa ng Manggagawa sa Bataan (AMBA-BALA) sa mga manggagawa ng Association of Concerned CDC Employees (ACCes) sa kanilang pakikipaglaban upang igiiit ang kanilang karapatan sa matagal na tinatamasang benepisyo.
Bawas sa sahod/ benepisyo ang sumalubong sa mga manggagawa ng Clark Development Corporation sa kanilang Payroll ngayong buwan ng Enero. Ayon sa Unyon humigit kumulang limang libong piso (P5,000) ang nabawas sa kanilang buwanang sahod bilang mga rank and file na manggagawa ng CDC. Batay daw ito sa pagpapatupad ng Compensation and Position Classification System (CPCS) mula sa Governance Commission on GOCCs (GCG).
Bagamat umaapela ang unyon ukol sa bagong sistema ng pasahod, kinaltasan parin ang mga manggagawa ng CDC.
Bukod sa paglabag ito article 100 ng ating labor code ( Prohibition against Elimination or Dimunition of benefits) tahasan ding nilabag ng pamunuan ng CDC ang Collective Bargaining Agreement (CBA) ng matagal ng umiiral sa pagitan ng unyon at pamunuan.
Ngayong mataas implasyon at presyo ng bilihin, hindi na sasapat ang minimum na sahod na P460. 00 sa Central Luzon. Ayon nga sa NEDA ang dapat sahurin ng manggagawa ay nasa P 42,000 o
P 1,615 /day para mabuhay. Kung kaya’t ang pagbawas ng benepisyo sa mga kapwa natin manggagawa ay hindi makatarungan at makatwiran.
Higpitan ang ating hanay , magkaisa para sa pagtatagumpay ng ating laban! Marapat lamang na pangalagaan natin at igigit ang mga natamasa nating benepisyo na nakuha sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pagkakaisa ng mga manggagagawa.
Taas kamaong pagbati sa inyong pagtindig para sa kapakanan at karapatan ng uring manggagawa. Ang inyong pagtindig ay nakatala na sa kasaysayan ng uring manggagawa.
Alyansa ng Manggagawa sa Bataan
January 21, 2023
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.