[From the web] J&T umatake na sa panggigipit sa mga rider | Kasama Riders

J&T umatake na sa panggigipit sa mga rider

J & T umatake na ng panggigipit sa mga rider nito sa buong pilipinas.
Nagbaba ng kautusan (Memo) ang J&T management na nagbabawas sa Salary, incentives sa bawat parcel at gas allowance.
Kagaya ng ibang kumpanya unti-unti na nilang mas pinapahirapan ang kanilang mga delivery rider na silang nagpapakapagod para maideliver sa tamang oras (on time) ang bawat parcel na pinapadala ng mga costumer nito.
Ngayon ay inaalis o binabawasan ang mga dati ng natatanggap ng mga sariling rider nila na kapalit ng kanila pawis at pagod.
Dahil ba mga rider lang? at walang kakayanang ipagtanggol ang kanila karapatan ay gagawin na lamang ng J&T management ang lahat ng panggigipit kahit magresulta pa ito ng pag liit ng kita at pagkagutom ng pamilya ng mga manggagawang rider?
Mariing tinututulan ng Kalipunan ng mga rider para sa Makabayang Adbokasiya o KASAMA RIDER na mangyari ito sa kapwa nila rider.
Magpapalakas tayong ng hanay upang labanan ang ganito pagyurak sa mga karapatan at pagpapahirap ng mga kumpanya sa lahat ng manggagawa.
Panawagan po ng KASAMA RIDERS sa lahat ng rider sa buong pilipinas na magka-isa sa paglaban sa mga pang-aabuso sa karapatan at kabuhayan.
https://web.facebook.com/KASAMARiders/photos/a.108727228394072/108727208394074

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.