[Statement] Reaksiyon ng TDC sa tugon ng DEPED Central sa hinihinging academic health break

STATEMENT
January 14, 2022

Reaksiyon ng TDC sa tugon ng DEPED Central sa hinihingi nating academic health break

Ang naging tugon ng DepEd ay hindi kasinglinaw ng atin sanang inaasahan. Ni hindi nga nila ito tinawag na academic break, health break o academic health break. Kaya hindi pa rin ito masasabing ganap na tagumpay sapagkat sa halip na desisyunan ng Central Office, partikular ng Kalihim Leonor Briones, ipinaubaya nila sa field officials, mga schools division superintendents (SDS) at Regional Directors (RD) ang determinasyon ng hinihinging break sa kani-kanilang nasasakupan. Ang resulta, maaaring magkaiba-iba ang petsa, maging ang bilang ng araw ng break na ito sa bawat dibisyon o rehiyon. Maaari rin namang walang break sa iba.

Hindi rin Memorandum o Order mula sa Office of the Secretary ang inilabas kundi memorandum mula sa Office of Undersecretary for Curriculum and Instructions at pirmado ni Usec Diosdado San Antonio.

Dalawang araw matapos ilabas ang memorandum ay nagbigay na rin ng kani-kanilang mga utos ang ilan sa ating mga regional offices sa pangunguna ni Director Panchet Bringas ng DepEd CALABARZON. Hindi RIn naman nagpahuli ang ilang LGU executives at nag-utos na rin ng academic health break partikular si Mayor Isko Moreno ng Maynila at Mayor Bebong Gatchalian ng Malolos.

Ito na ang inaasahang resulta ng kawalan ng iisang direktiba mula sa Central Office. Kaya marami sa ating mga kapatid sa iba’t ibang rehiyon, dibisyon at lungsod ay napapa-#SanaAll na lamang.

Gayunman, nais pa rin nating kilalanin, i-appreciate at i-welcome ang memorandum na ito sa mga sumusunod na kadahilanan:

Kahit papaano ay nakinig sa atin ang pamunuan ng ating kagawaran;
Magkakaroon ng pagkakataon ang mga DepEd field officials at LGUs na magpasya lalo na yaong mga pabor sa ating panawagan;
Matututunan ng mga lokal na organisasyon ng mga guro- mula paaralan hanggang sa antas rehiyon na makipagdayalogo,  o makipagnegosasyon sa kani-kanilang mga field officials at matututunan ang self-empowerment;
Pinatunayan natin na hindi nakasulat sa bato ang school calendar at maaari itong i-adjust batay sa pangangailan ng pagkakataon taliwas sa naunang pahayag ni Sec. Briones;
Patunay rin na may mangyayari kung tayo ay magsasalita, kikilos at lalaban. Kaya huwag tayong maging bantulot na magsalita, kumilos at makiisa kahit sa iba pang mga usapin ng guro.

Sa ngayon, dapat nating tiyakin na maipatupad sa pinakamalawak na antas kung hindi man sa lahat ang break na ito at gawin itong batayan ng mga susunod pang polisiya na dapat bigyan ng katulad rin na pahinga ang pagtatapos ng bawat quarter o semester, hindi lamang sa pampubliko kundi maging sa mga pribadong paaralan at higher education institutions.

Kaugnay rin sa usaping ito ang paggigiit natin ng iisang polisiya hinggil sa alternative work arrangement (AWA) at ang work-from-home (WFH) scheme sa mga guro na nasa online at modular teaching. Hanggang ngayon ay wala pa ring paglilinaw sa polisiyang ito na sa dami ng memo na inilalabas ay nagdulot na ng patung-patong na kalituhan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa!
Mabuhay ang mga guro!


Updated: January 14, 2022
Reference: Benjo Basas, National Chairperson
0923-0819750/ 0927-3356375

Link to original post in TDC Page:
https://web.facebook.com/teachers.dignity/photos/a.136476869715369/5465687290127607/

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.