[Statement] Palayain si Sally Ujano! | PKKK

#HumanRights #FreeSallyUjano

Palayain si Sally Ujano!

Mariing kinukundina ng Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan (PKKK) ang pagka aresto kay Sally Ujano, isang kilalang child’s rights advocate at isa sa mga unang nagbigay gabay sa aming samahan sa pagsugpo ng karahasan laban sa mga kababaihan. Inaresto ng mga nakasibilyang pulis nitong November 14 si Sally sa kanyang tahanan sa Bulacan. Dinala sya sa Camp Crame, at sa loob din ng araw na iyon ay nagpost ang PNP Region 3 sa Facebook na nagsasabing si Sally ay may kasong rebelyon nuong 2005, at isa sa mga most wanted na lider ng CPP-NPA.


ANG AKUSASYON KAY SALLY UJANO AY ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN.

Nuong mga taong 2005 hanggang 2007, may personal na ugnayan ang aming organisasyon kay Sally Ujano, bilang sya ang Executive Director ng Women’s Crisis Center (WCC). Sinisimulan naming buuin ang aming kampanya laban sa VAW (violence against women) at isa si Sally na nagsanay sa aming kasapian. Ang kanilang opisina ay palagian din naming tinatakbuhan para sa mga katanungan at referrals ng ilang victim-survivors. Matapos sa WCC, nakasama naming muli si Sally sa isang alyansa laban sa human trafficking at pag-aabuso ng kabataan.

SA LAHAT NG ITO, BUKAS AT BATID NG LAHAT ang mga gawain ni Sally. Sa lahat ng ito, ang kanyang advocacy strategy ay ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng PNP, DSWD, PCW at iba pang ahensya habang sinasanay at pinapalakas ang mga grupo ng mga kababaihan at kabataan. Kaya pinabubulaanan namin na sya ay nagtago.

NANINIWALA KAMING HINDI REBELDE SI SALLY.

https://web.facebook.com/IndaySaRural/photos/a.1192135660858690/6409123222493215

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.