Tag Archives: PKKK

[Statement] Palayain si Sally Ujano! | PKKK

#HumanRights #FreeSallyUjano

Palayain si Sally Ujano!

Mariing kinukundina ng Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan (PKKK) ang pagka aresto kay Sally Ujano, isang kilalang child’s rights advocate at isa sa mga unang nagbigay gabay sa aming samahan sa pagsugpo ng karahasan laban sa mga kababaihan. Inaresto ng mga nakasibilyang pulis nitong November 14 si Sally sa kanyang tahanan sa Bulacan. Dinala sya sa Camp Crame, at sa loob din ng araw na iyon ay nagpost ang PNP Region 3 sa Facebook na nagsasabing si Sally ay may kasong rebelyon nuong 2005, at isa sa mga most wanted na lider ng CPP-NPA.


ANG AKUSASYON KAY SALLY UJANO AY ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN.

Read more

[Statement] Matindi ang pinsala ng kabastusang ito (ni Duterte) sa mga kababaihan, lalo na sa mga kasambahay -PKKK

Matindi ang pinsala ng kabastusang ito (ni Duterte) sa mga kababaihan, lalo na sa mga kasambahay

PAHAYAG NG PAMBANSANG KOALISYON NG KABABAIHAN SA KANAYUNAN (PKKK) SA KABASTUSAN NI DUTERTE

Kami sa PKKK ay nagpapahayag ng galit sa pagmamalaki ni Duterte sa kanyang ginawang molestasyon ng kanilang kasambahay. Naniniwala kami na ikinuwento niya ito hindi sa perspektibo ng isang batang lalaki bagkus sa perspektibo ng isang indibidwal na naniniwalang normal ang pambabastos sa kababaihan.

Hindi kailanman katanggap-tanggap ang anumang aksyon ng sekswal na karahasan – pisikal man o verbal, at lalong hindi sa porma ng biro. Ang kanyang ginawa ay nagpapalakas loob sa mga kalalakihan. Ang mga nagdedepensa sa kanyang pahayag ay syang tagapaypay ng lakas ng loob na ito – ang mambastos at manamantala sa mga tinitingnang mahihina.

Kami sa PKKK ay naniniwalang matindi ang pinsala ng kabastusang ito sa mga kababaihan, lalo na sa mga kasambahay. Marami sa kanila ay galing sa mga probinsya na apektado ng matinding kahirapan sa kanayunan. Hindi makatarungan na ang kanilang trabaho ay lalo pang inilantad sa karahasan dahil sa “ginawang istorya” ni Duterte. Hindi lamang ito istorya, kundi bahagi ito ng kasaysayan ng machismo.

Sa pagtatapos ng taong 2018, tinuring na ika-8 ang Pilipinas sa mga bansang nakakaranas ng gender equality sa ilalim ng Global Gender Gap report ng World Economic Forum (WEF). Naniniwala ang PKKK na hangga’t may bastos tayong Presidente, mga opisyal na nagbibigay-katwiran, at mga nananahimik sa kanyang mga sinasabi, nagmimistulang hungkag ang pagkilalang ito.

Muli kaming nananawagan na aralin at isapuso natin ang prinsipyo ng karapatang pantao. Gawin nating sentro ito ng mga diskusyon sa usaping kaunlaran. Walang saysay ang anumang klase ng progreso o kahusayan ng materyal na kondisyon kung walang pagkilala sa dignidad ng lahat ng Pilipino.

Taong maaaring kontakin:
Amparo Miciano
Secretary-General
ruralwomencongress_ph@yahoo.com
Cell No.: 09189244802
Tel No.: 372-9041

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.