[Statement] BIDA BIDA SA SAYA | SPARK

#HumanRights #Workers

BEEAST EMPLOYERS

BIDA BIDA SA SAYA

Kamakailan lamang inilabas ng Forbes Magazine ang listahan nila ng ‘di umano world’s “best employers” para sa taong 2021. Sa 750 na mga kumpanya, iba’t ibang higanteng korporasyon ang napabilang dito kagaya na lang ng Samsung Electronics, IBM, Microsoft, Amazon, at Apple na limang nangungunang employers sa nasabing listahan. Kabilang rin sa naturang listahan ang binansagang “3 Philippine blue chips” Jollibee Food Corporation sa pwestong 256th habang ang Ayala Corp. ay nasa 487th at Aboitiz Equity Ventures naman sa 665th.

Habang ang mga kumpanyang ito ay humahalakhak sa tuwa ay marami pa ring empleyado mula sa Jollibee Foods Corporation ang patuloy na nagdurusa base na rin sa kanilang mabigat na karanasan sa kanilang pagtatrabaho sa dambuhalang kumpanyang ito. Ang karaniwang hinaing ng mga empleyado rito ay ang labis na trabaho ngunit kakarampot na sahod at ang hindi natatapos na kontraktwalisasyon na siyang lubid-sakal sa mga trabahador ng JFC.

Ayon sa artikulong inilabas ng Forbes Magazine, gumamit sila ng survey sa 150,000 na empleyado ng iba’t-ibang multinasyunal na mga korporasyon mula sa 58 na mga bansa bilang pangunaahing metodolohiya. Kabilang sa mga itinanong sa mga empleyado ay kung gaano ang kanilang kagustuhang irekumenda sa iba ang kanilang mga employer, mga personal pagsusuri nila sa ibang employer sa kanilang kinabibilangang industriya, at ang kanilang mga pagtatasa sa imahe, economic footprint, development sa talento, pagtugon sa isyung pangkasarian at responsibilidad sa lipunan ng kanilang mga kumpanyang kinabibilangan. Sa isang bansang normalisado ang kawalan ng maayos na trabaho, kontraktwalisasyon, mababang pasahod, at lantarang pagbuwag sa mga unyon, natural lamang na maging positibo ang pananaw ng mga manggagawa sa kanilang mga employer sa kabila ng garapalang pambubusabos at karima-rimarim na mga karanasang dinaranas nila mula rito.

Kung maaalala natin, taong 2018 ayon sa Department of Labor and Employment, nasa 14,960 ang bilang ng mga naapektuhan ng kontraktwalisasyon, kabilang na rito ang di pagtalima ng JFC na mag regularisa ng hindi bababa sa 7,000 na manggagawa nila. At nito lamang nakaraang taon, daan daang kontraktwal na manggagawa ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya dulot ng pagkalugi ng Staff Search Asia Service Cooperative ng magdesisyon ang Zenith Foods Corporation (isa sa mga sabsidaryo ng JFC) na ipatigil ang kontrata nila sa pagkuha ng serbisyo.
Nagpapatunay lamang ito na hindi kailanman prayoridad ng JFC ang mabigyan ng sapat na sahod ang kanilang mga manggagawa. Ipagpapatuloy lamang ng mga ito ang kanilang nakakarimarim na sistemang endo habang uulit-ulitin ang gawa-gawang dahilan para ikubli ang kanilang nilalangaw na pamamaraan ng pagluto sa karapatan ng kanilang mga pinahihirapang mga empleyado. Hanggang ngayon ay nagsasawalang bahala pa rin ang kasalukuyang administrasyon sa mga ganitong kalakaran ng mga mapanghuthot na kapitalista na mula sa mga naglalakihang korporasyon sa bansa. Hindi maglalakas loob ang mga dambuhalang korporasyon kung hindi masugid na pinatutupad ng gobyerno ang Labor Code at nagsasabatas ng mga alituntuning paborable sa mga may-ari ng mga kumpanya

Muli, mariing kinokondena ng Samahan ng Progresibong Kabataan ang paulit-ulit at labis na pananamantala ng Jollibee Foods Corp sa mga manggagawa nito. Kaya aming ipinapanawagan na gawing nakabubuhay dapat ang sahod, ibigay dapat ang mga benepisyo, gawing malaya ang pag-uunyon at higit sa lahat ay ang gawing regular ang lahat ng mga manggagawa. Lalo na’t tayo’y nasa gitna parin ng pandemiya, nararapat lamang na higit na proteksyunan pa ng gobyerno ang mga mayoryang sektor mula sa mga pananamantalang ito at ‘di dapat kunsintihin ang mga nasa rurok ng mga higanteng korporasyon na dapat ay panagutin sa panggagatas nito sa mga manggagawa para sa tubo ng iilan.

Dahil kung totoo ngang bida ang saya, eh asaan ba ang saya sa mga libo-libong mga manggagawang kontraktwal ng inyong mapangikil na kumpanya?

Napapanahon na upang isulong ang interes ng manggagawa at tumindig kasama nila.
Manggagawa, Magkaisa!

Wakasan ang Kontraktwalisasyon!

StandWithWorkers

EndContractualization

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.