[Statement] Pahayag hingil sa karahasan sa Palestina | MHRDNet

#HumanRights #Palestine
Pahayag hingil sa karahasan sa Palestina

Mariing kinokondena ng Moro Human Rights Defender (MHRDNet) ang patuloy na garapalang pag-atake ng bansang Israel sa Occupied Palestinian Territory, partikular sa East Jerusalem at sa Gaza Strip. Ang walang habas na pamboboma ng Israel na target ang mga pook ng sibilyan ay patuloy na pumapatay at pumipinsala sa mga inosenteng buhay lalong lalo na sa mga kababaihan, matatanda at walang muwang na mga paslit.
Malinaw na ang pananalakay ng Israel sa mamamayan ng Palestina ay tahasang pagyurak sa mga International Laws partikular na sa mga Humanitarian and Human Rights Laws na karapatdapat kondenahin at singilin ng buong Mundo.
Nanawagan ang MHRDNet ng pakikiisa ng lahat lalo na sa Bangsamoro para suportahan ang panawagang itigil ng Israel ang Kriminal na pananalakay at panlulupig nito sa Palestina. Ganundin sumasabay ang MHRDNet sa malawakang panawagan upang umakto na ang United Nations Security Council para mamagitan at mapatigil ang walang pakundangang karahasan.
Ang karahasang nagaganap ngayon sa Palestina ay hindi na usapin ng relihiyon, ideolohiya o nasyunalidad, hindi mo kailangang maging Muslim o Palestinyan upang manindigan sa tama, magpatigil sa sigalot at magligtas ng buhay, kailangan mo lang maging tao!
Itigil ang karahasan at pag-atake sa Palestina!
Kilalanin at pairalin ang mga International Humanitarian at Human Rights Laws!
Bangsamoro makiisa sa mamamayan ng Palestina!
MORO HUMAN RIGHTS DEFENDER Network
(MHRDNet)
Mayo 19, 2021

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.