[Statement] Kami ay mga manggagawa din! | KAGULONG

#HumanRights #Workers

Ang pandaigdigang araw ng mga manggagawa ay mahigpit naming niyayakap bilang mga araw din ng mahigit sa 90% mananakay ng motorsiklo.

Kami ay mga manggagawa din!

Bahagi kami ng mahigit apat na milyong walang trabaho o natanggal sa trabaho dahil sa pandemya. Bahagi rin kami ng mahigit anim na milyon na walang maayos o permanenteng mapapasukang trabaho. Katulad ng mga manggagawa at mga maralita, pumipila din kami para makakuha ng kakarampot na ayuda at pumipila din kami sa mga community pantries upang kahit paano ay may maipakain sa aming pamilya.

Katulad nila umasa din kami na mawawala na ang endo endo sa ilalim ng administrasyong ito, dahil karamihan din sa amin ay mga kontraktwal. Kaso binola lang pala tayo ng palpak na presidenteng ito at vineto niya ang batas na magwawakas sana sa endo.

Buti nalang ay nakapagpundar kami ng motorsiklo na pinagtityagaan naming hulugan kada buwan. Kahit floating ang istatus sa pabrika (masaklap ay yung iba ay na-lay off pa dahil sa pandemya) ay makakapaghanapbuhay kami bilang delivery riders ng FoodPanda at Grab, makakapag habal-habal kami sa Angkas o Joyride. Kahit may pandemya, kahit sinusuong ang panganib na mahawa ng COVID ay ok lang basta may maiuwi sa pamilya. Pero iba parin talaga kapag regular kang manggagawa, mas sigurado ang kita at may mga benepisyo pa, hindi tulad nito na kapag matumal ang biyahe ay nga-nga. Paano nga kung mahawa kami ng COVID dahil babad sa kalsada? Wala kaming health insurance walang SSS at iba pang makabigbibigay samin ng seguridad sa panahon ng kagiptan at kalamidad. Saang kamay ng diyos namin kukunin ang perang gugugulin para dito? Matamis at mabango lang pakinggan ang turing samin ng mga kumpanya bilang independent contractors o “partners”. Pero ang totoo ay umiiwas lang sila sa responsibilibidad nila sa amin bilang mga MANGGAGAWA.

Bilang mga maggagawang riders ay hindi lang alipin ang turing sa amin, KRIMINAL PA! Yung mga batas at mga ordinansa na ginawa ng mga nasa pwesto hinggil sa kriminalidad partikular sa riding in tandem ay kaming mga ordinaryong riders ang pinagdurusa. Ibinawal ang angkas, pinalaki ang plaka, gusto pang huwag na kami maghelmet at sumabog ang aming mga utak sa kalsada para daw makita ang mukha namin sa cctv at checkpoints at pinagmumulta pa kami ng napakalaking halaga sa maliit na violation sa traffic. Idagdag mo pa ang mga matapobreng mga elitista na ang tingin samin ay mga kamote at hampas-lupa sa kalsada.

Kaya ngayong Ika-1 ng Mayo hindi kami nangiming makipagkapit-bisig sa mga kapatid na mangggagawa, sapagkat iisa ang ating panawagan, SEGURIDAD SA TRABAHO, PROTEKSYON AT KARAPATAN. At iisa rin ang ating landas na kinasadlakan sa ilalim ng palpak na pamahalaan.

Para sa amin, ang mga manggagawa ang tunay naming “partners” upang makamit ang buhay na maginhawa at hindi ang mga kumpanya at ang pamahalaaang ito na inaabandona kami sa gitna ng kagipitan.

ANG LABAN NG MGA MANGGAGAWA AY LABAN NG MGA MANANAKAY NG MOTORSIKLO!
IKa-1 ng Mayo 2021

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.