[Press Release] P300 Communication Reimbursement, Dapat Umanong Ibigay sa Lahat ng Guro-TDC

#HumanRights #Teachers
P300 Communication Reimbursement, Dapat Umanong Ibigay sa Lahat ng Guro

“Kakarampot na nga, Pahirapan pa Bago Makuha!” Ito ang reklamo ng mga guro sa communication expenses reimbursement na nagkakahalaga ng P300 sa mga guro at kawani ng DepEd na gumampan sa kanilang tungkulin mula Marso hanggang Disyembre ng taong ito.
Sa isang YouTube video ni Teacher Emmlayn Policarpio, Secretary-General ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ay mapapanood ang sentimyemto ng mga guro hinggil sa kautusang ito ng DepEd. Ayon sa kanya, nagkakaisa umano ang sentimyento ng mga guro hinggil sa bagay na ito. “Ang hinihiling po namin sa DepEd ay ibigay ang kabuuang halagang P3, 000 sa lahat ng mga guro sapagkat lahat naman kami ay qualified sa mga makatatanggap sa simpleng dahilan na lahat kami ay gumastos ng mahigit sa P3, 00.00 kada buwan mula noong Marso,” giit ni Policarpio.
Ayon sa DepEd Order No. 38, s. 2020, maaaring makakuha ng monthly reimbursement ang mga guro na gumastos para sa cellular phone load, internet data at iba pang gastusin sa komunikasyon basta nakapagsumite lamang ng resibo o anumang patunay sa kanilang gastusin mula Marso hanggang Disyembre 2020. Para naman sa TDC, lahat ng guro ay gumastos ng load para sa pagtawag, pag-text, pag-FB message sa kanilang mga mag-aaral at magulang pati na ang gastos sa internet para sa mga online meetings, webinars, downloading ng forms at iba pa.
Dagdag pa ng grupo, hindi umano sapat ang P300 dahil aabot sa mahigit P2, 000 ang gastos ng isang guro sa isang buwan.
“Natutuwa kami dahil mayroong ilalaang P300 para sa aming nagastos bagamat kulang na kulang ito. Pero sana huwag nang pahirapan sa reimburesement ang mga guro. Maghahanap pa ba kami ng resibo sa loading station o tindahan mula Marso para makakuha niyan? Paano kung hindi kami maka-produce? Hindi na bibigyan?” Dagdag pa ni Policarpio.
Partikular na tinukoy ng grupo ang mga guro na hindi na makakakkuha ng reimbursement ay yaong mga nagpapa-load lamang ng pre-paid data sa mga tindahan, yaong nakiki-share lamang ng internet at nagbabayad sa kapitbahay at maging yaong mga guro na hindi sa kanila nakapangalan ang internet o phone connection sa kanilang tahanan.
“Kung gusto talaga kaming tulungan ng DepEd upang mabawasan naman ang bigat ng gastusin, huwag na sanang gawing mahirap para sa amin ang reimbursement. Ibigay na ito sa lahat,” pagtatapos niya.
Muling iginiit ng TDC na dapat umanong sagutin ng gobyerno ang laptop at internet expenses ng mga guro sapagkat pangunahin nilang pangangailangan ang mga ito sa kanilang pagtuturo. #
For details:
Emmalyn Policarpio, Secretary-General
0923-0819751
Youtube link: https://www.youtube.com/watch?v=vOU-lzA6ArI

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.