[Press Release] DEPED, hinamon na ipatupad ang mga polisiyang pabor sa mga guro -TDC

#HumanRights #Teachers DEPED, hinamon na ipatupad ang mga polisiyang pabor sa mga guro

Kinilala ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang bagong nilabas na memorandum ng DepEd Central Office hinggil sa ilang pagbabago sa pagpapatupad ng distance learning education. Ang Memorandum OUCI-2020-307 na may pamagat na SUGGESTED MEASURES TO FOSTER “ACADEMIC EASE” DURING THE COVID-19 PANDEMIC na nilagdaan ni Undersecretary Diosdado San Antonio noong Oktubre 30 ay tugon umano ng ahensiya sa mga nakita nilang karanasan ng mga mag-aaral, magulang at guro sa pagpapatupad ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP).

“Kinikilala namin ito sapagkat patunay lamang ito na may mga bagay na nalimutang ikunsidera ang DepEd sa pagpipilit nitong buksan ang school year 2020-2021. Nakita naman natin ang epekto sa lahat- bata, magulang guro, lahat sila ay may mga kinakaharap na mga pagsubok at hirap dahil sa pagpapatupad ng online at modular learning modalities ng DepEd,” ani Benjo Basas, National Chairperson ng TDC.

Ayon kay Basas, hindi umano makaagapay ang mga bata at magulang sa dalawang pangunahing pamamaraan ng pag-aaral ngayon. Maliban umano sa kakulangan sa mga gadgets at mahinang internet connectivity ay problema rin ang kakulangan o sadyang kawalan ng modules na ang mga guro umano ang siyang gumagawa ng paraan.

“Hindi madaling mag-aral sa mga ganitong kaparaanan, lalong hindi madaling magturo kung hindi sapat ang kagamitan at pangangailangan ng mga guro. Sa maraming pagkakataon pa nga, mga guro ang nagpupuno sa kakulangan ng sistema,” dagdag pa ni Basas.

Ilan sa mga pagbabagong ipatutupad ng DepEd ay ang pagpapalawig ng first quarter mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 12, paglulunsad ng in-service training (INSET) sa mga guro bago ang holiday break, pagbabawas ng mga gawain ng mag-aaral at maging ng mga self-learning modules sa mga susunod na quarters, pagtatalaga ng mga learning support aides (LSA) sa mga bata at pamilyang nahihirapan sa modular learning at ang pagbibigay-diin sa pagtuturo ng mga guro kaysa sa ibang gawain. Ayon pa rin sa memorandum, “Schools should put premium on the instructional tasks of teachers in their workload or assignments (e.g. teachers should not be burdened on printing and distribution of modules).”

Ayon pa sa TDC, maganda umano ang polisiyang ito upang matulungan ang mga guro na gumampan nang mas mabuti sa kanilang pagtuturo, subalit dapat umanong tiyakin ng DepEd na maipatutupad ito.

“No doubt, DepEd has many good policies gaya niyang sa working hours at itong work from home na default set-up sa AWA (alternative work arrangement). Then we have this latest one that says ‘teachers should not be burdened on printing and distribution of modules.’ Ang problema sa DepEd, kapag pabor sa mga guro ang polisiya ay hindi ito kayang ipatupad. Kaya sa huli, mga teacher pa rin ang kailangang mag-adjust o mag-suffer,” paliwanag ni Basas.

Hinamon din ng TDC ang DepEd na ipagbawal ang physical reporting sa mga guro para gumampan sa mga gawaing hindi esensiyal gaya ng reproduction at sorting ng modules at iba pang mga gawaing maaari namang gampanan habang sila ay nasa bahay alinsunod sa mga nauna nang kautusan ng DepEd at CSC.

“Perhaps there is a need for a DepEd Memorandum or Order that will particularly and explicitly state that production and sorting of modules should not be done by teachers and prohibit field officials from requiring them to do such tasks. Yun naman ang sabi ng DepEd kahit sa Congressional hearings at budget deliberation eh. Patunayan nila na totoo ang kanilang sinasabi sa Kongreso at sa media at patunayan nila na handang-handa nga sa pagbubukas ng klase ang ahensiya,” pagtatapos ni Basas.

Isang buwan matapos ang pagbubukas ng klase noong Oktubre, nananatiling naghihintay ang TDC sa tugon ng DepEd sa kanilang kahilingan sa dayalogo. #

For details:
Benjo Basas, 09273356375
For teachers’ reactions from FB post:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=4120284984667851&id=136307986398924

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.