[Press Release] TDC, hinimok ang DEPED na ipatigil muna ang produksiyon ng self-learning modules

TDC, hinimok ang DEPED na ipatigil muna ang produksiyon ng self-learning modules

Dalawang linggo bago ang itinakdang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, hinimok ngayon ng grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na ipatigil muna ang produksiyon ng modules na gagamitin sa distance learning modality ngayong taong pampaaralan. Ayon sa grupo ay kailangan umanong mapag-aralang mabuti at masuri ang praktikalidad ng paggamit ng mga modules bago ituloy ang produksiyon nito.

“Sinasabi ng DepEd na handang-handa na sila sa pasukan pero iba ang mga ulat na nakakarating sa atin, ang mga nakikita natin at ang araw-araw na dinaranas ng ating mga guro sa field. Malinaw po na hindi pa nakahanda sa pasukan kung ang modules ang pagbabatayan,” ayon kay Benjo Basas, National Chairperson ng TDC.

Ayon pa kay Basas, bagamat nais na rin nilang matuloy ang pasukan sa Oktubre 5 ay hindi umano mawawala ang agam-agam sa mga guro at magulang dahilan sa hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpleto ang mga modules kahit yaong para sa first grading period lamang.

“Kung hindi pa naman napi-print ang modules for second quarter, mas mainam na itigil muna ang printing nito, kung sakaling matuloy man ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, maaaring gamitin ang mga available na aklat at mag-imprenta na lamang ng mga kulang. Sana maisip ito ng DepEd at huwag nang pahirapan pa nang husto ang mga guro at administrador ng mga paaralan,” dagdag pa ni Basas.

Marami umanong natatanggap na ulat ang TDC na ang mga modules na naihahanda ay yaong para lamang sa unang dalawang linggo hanggang sa unang buwan. Ito’y sa kabila ng pahayag ng DepEd kamakailan na nasa 98% na ang kahandaan nila sa pamamahagi ng modules.

“Ang sa amin lang po ay huwag nang ipilit. Napakarami nang violations ang nagawa dahil sa pagpipilit na ito. May mga guro na nagsulat ng sariling modules para sa kanilang paaralan, nag-solicit ng pambili ng papel ink at printers, mayroong nakipag-barter ng halaman o dumukot ng sariling pera para makapag-produce lang ng modules. Nakaparami rin ang pinag-report sa schools para mag-photocopy at mag-sort ng modules na tila ba hindi alintana ang panganib na dala ng COVID-19. Ang lahat ng mga ito ay bawal ayon sa panuntunan ng DepEd. Pero ginagawa ito ng ating mga guro sapagkat wala nang ibang paraan kaysa maghintay sa wala,” pagpapatuloy pa ni Basas.

Aniya dapat na umanong pag-isipan ng DepEd kung gagastos pa ba ang ahensiya ng malaking halaga para sa mga modules na baka sa huli ay masasayang lamang. Matatandaang 9 bilyong piso na ang ginastos ng DepEd para sa modules lamang at humihingi pa ito ng karagdagang 15 bilyon sa susunod na taon para sa learning materials kasama na ang modules.

“Si Sec. Briones na mismo ang nagsabi na magastos at may malaking implikasyon sa kapaligiran ang paggamit ng modules, baka raw maubos ang mga puno natin dahil sa malaking pangangailangan sa papel. Yun naman pala eh, bakit kailangan pang ipilit nang ipilit ito? Bakit hindi na lamang mga libro ang ipagamit sa mga bata at gawaan na lang ilang pahinang gabay sa mga gawain?” Tanong ni Basas.

Ayon sa TDC ay patuloy silang makikipag-ugnayan sa pamunuan ng DepEd upang mapag-usapan ang isyung ito at kung hindi na naman sila pakikinggan ay muli nilang idudulog sa mga mambabatas at sa Pangulo na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

“Nakahanda naman po ang mga guro na makipagtulungan at nakahanda rin na gumampan sa mga tungkulin kung sakaling matutuloy na ang pasok sa Oktubre 5, pero sana ang kahandaang ito ay tumbasan naman ng pagmamalasakit at paglingap mula sa pamunuan ng DepEd,” pagtatapos ni Basas.

Ang posibilidad ng paggamit ng libro sa halip na modules ay inihayag na ng TDC sa isang pagdinig ng Basic Education Committee sa Senado sa pamumuno ni Sen. Win Gatchalian nitong nakaraang linggo.

Para sa mga detalye:
Benjo Basas, National Chairperson
09273356375/ 09230819750

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.