[Statement] Ating Dinaranas Ngayon ang Batas Militar sa Ilalim ng Tiranikong Paghahari -KILUSAN

[PAHAYAG] Ating Dinaranas Ngayon ang Batas Militar sa Ilalim ng Tiranikong Paghahari

Ika-48 taong anibersaryo ng deklarasyon ng martial law at pagtatatag ng diktadurang Marcos ngayon. Ngunit hindi lamang tuwing September 21 magugunita ang lagim at mga bangungot sa ilalim ng labing-apat na taong paghahari ng diktadurang Marcos, idolo at modelo ni Duterte.

Ngayung anim na buwan nang pandemya ng COVID-19, dinadanas ng mamamyang Pilipino ang pinakamahaba at isa sa pinakamahigpit na lockdown sa mundo. Milyun-milyon sa atin ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay at dumaranas ng gutom. Ang ayudang mula sa gubyerno ay kapos sa lalong dumaming mhirap na pamilya. Sapagkat lalong kumukupad ang pamamahagi ng ayuda, lalong dumarami ang napagkakaitan.

Sa ngalan ng pagsugpo o pagpigil sa pagkalat ng coronavirus, ipinailalim ang sambayanang Pilipino sa iba’t-ibang antas ng pagsupil o restriksyon ng ating mga batayang karapatan kabilang ang karapatan sa malayang pamamahayag, malayang pagkilos, malayang paghahanaphay. Tampok ang pagpapatupad ng 7 hanggang 9 na oras na curfew. Katambal nito, at kahit hindi sa oras ng curfew, ang pag-aresto, pagkulong o pagsingil ng multa sa tinatatakang “pasaway” ng mistulang civilian – military junta na IATF. Sa halip na masugpo, lalong lumaganap ang COVID-19 sa bansa.

Sinasamantala ng rehimeng Duterte ang kalagayan ng pandemya para puspusin ang tiraniko-otokratikong layunin at disensyo nito. Sinimulan itong ilatag nuong 2016, unang taon nito.

Binaluktot ang kasaysayan, binaligtad ang pasya ng mamamayan; ipinalibing ang bangkay ng idolong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nauna rito ang paglulunsad ng gera kontra droga. Mahigit 30,000 na ang biktima ng extra-judicia killing (EJK) na karaniwang kondukta sa tokhang at operation double barrel. Karamihan sa biktima ay maralitang suspek na addict at pusher. Malinaw sa kondukta nito na hindi pagpawi sa illegal drug ang layon. Gawing kalakaran ang paglabag sa rule of law at due process ang imbing layon ng tokhang at double barrel upang takutin at gawing pasibo ang mamamayan. Lalong lumaganap ang droga. Tuloy ang mga EJK ngayong may pandemya.

Pagbaluktot ng batas at nilutong proseso ng korte bilang armas para supilin ang mga kritiko. Unang biktima si Sen. Laila de Lima, sinumpang kaaway ni Duterte at ni Gloria Macapagal-Arroyo, dahil sa mahigpit na paghawak sa tungkulin niya bilang dating pinuno ng CHR at kalihim ng DOJ. Moro-moro ang imbestigasyon sa gawa-gawang kasong “drug trafficking”. Wala ni kapirasong material na ebidensya at mga testigo ay convicted na drug lords na pinilit at pinilipit ng DOJ at PNP ni Duterte. Hanggang ngayon si Sen. De Lima ay nakapiit sa Kampo Crame nang walang pagdinig sa kanyang kaso.

Sunod na biktima si Chief Justice Ma. Lourdes Serreno, para ganap na makontrol ni Duterte ang Korte Suprema. Sapagkat walang matibay na ebidensya sa proseso ng impeachment, ginamit sa kanya ang di-konstitusyunal na “quo warranto”. Nakipagkutsabaan sa Malakanyang ang mga tiwaling mahistrado. Sa kabila ng pagkondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), International Commission of Jurists (ICJ) at ng mamamayan, pinatalsik si CJ Serreno.

Nauna at kasabay nito ang pagpataw ng Martial Law sa buong Mindanao bunsod ng gera sa Marawi nuong May 23, 2017. Tatlong ulit na pinalawig ang Martial Law na kung alisunod sa Konstitusyon ay dapat na hanggang 60 araw lamang. Subalit sa mga dahilang sila Duterte at AFP lamang ang nakakaalam at para daw sa rehabilitasyon ng Marawi, umabot ng halos 2 taon ang Martial Law sa Mindanao. Ngunit hindi narehabilitate ang Marawi hanggang ngayon.

May mga patakaran at batas na mapanupil sa mamamyan at nagbibigay ng higit na kapangyarihan sa tirano na nakalusot sa konggreso. Gayundin ang mga Executive Order at Proclamation ni Duterte. Tampok dito ang amyenda sa Penal Code na nagbibigay ng kapangyarihan sa PNP Chief at sa pinuno ng CIDG na mag-issue ng subpoena. Ang umiiral hanggang ngayon na national state of emergency sa pamamagitan ng Proclamation no. 55, bunsod ng pagbomba sa night market sa Davao City nuong Sept. 4, 2016. Ang proclamation no. 55 ay kinumbinahan mula 2018 ng Executive Order no. 70 o “whole of nation approach” sa pagsugpo sa “insurgency”. Ito ang batas sa likod ng red-tagging ngayon at ng lalong lumaganap na “fake news” at paninira sa mga kritiko ng rehimeng Duterte, kabilang ang mga aktibista at mga tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao. Kasabay nito ang pagpaslang sa hindi iilang aktibista at lider-masa.

Para nga puspusin ang tiraniko-otokratikong paghahari, paspasan at unang prayoridad na isinabatas ang Anti-terrorism Law sa katindihan ng pandemya ng covid-19 at krisis sa kabuhayan. Sunod dito ang pagkakait ng bagong prankisa sa ABS-CBN ng 70 kongresista sa mga gawa-gawang dahilan at sa kabila ng testimonya ng BIR, SEC at DOLE na walang nilabag sa prankisa nito ang ABS-CBN. Ito ay hindi lamang paglulubos ng bengansya ni Duterte, higit pa ito ay pagsupil ng karapatan sa malayang pamamahayag at freedom of expression.

Mayabang na inaamin ng mga author at sponsor ng Anti-Terrorism Law of 2020 o RA 11479 na “mas may pangil ito kaysa martial law alinsunod sa Konstitusyong 1987”. Ngunit iginigiit na hindi daw labag sa Konstitusyon ang RA 11479. Malinaw sa nilalaman ng halimaw na batas na ito ay nagbibigay nang higit na kapangyarihan sa presidente at sa estado para ipagtanggol ang sarili laban sa mamamayan.

Ngunit tayong mamamayan ay hindi malilimot ang maraming aral sa pakikibaka laban sa martial law ng diktadurang Marcos. Pinagbuwisan iyon ng buhay at dugo ng libu-libong mamamayan hanggang sa nabuo ang lakas ng milyun-milyong mamamayang Pilipino na nagpatalsik kay Marcos at naglansag sa diktadura.

Tanganan natin nang mahigpit ang mga aral na iyon sapagkat pilit na ibinabalik ang otokrasya o diktadura ngayon ng tiranong Duterte. Hindi tayo makakapayag na muling mapailalim sa sistematikong panunupil at pang-aapi ng diktadura.

Never Again to Martial Law!
IBASURA ang ANTI-TERRORISM LAW!
Resist Tyranny!

Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN)
Setyembre 21, 2020

https://web.facebook.com/notes/kilusan-para-sa-pambansang-demokrasya/pahayag-ating-dinaranas-ngayon-ang-batas-militar-sa-ilalim-ng-tiranikong-paghaha/3316401541774902/

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.