[Statement] Kung talagang gustong magbigay ng internet data allowance, dapat walang kondisyon -TDC

PAHAYAG
Setyembre 19, 2020

Kung talagang gustong magbigay ng internet data allowance, dapat walang kondisyon

Lahat ng guro ngayon ay nangangailangan ng internet. Hindi makagagampan sa mga tungkulin ang ating mga guro kung wala gadgets- desktop o laptop computer, tablet o smart phone. Kailangan mo rin ng printer at higit sa lahat, kailangan ng internet connection.

Hindi pa nagsisimula ang balik-eskuwela ay namuulubi na sa gastusin ang marami sa mga guro. Kailangang bumili ng sariling laptop o gadgets, kailangang magpakabit ng internet o kailangang mag-load para sa internet data at kailangang mag-load para i-text o tawagan ang mga mag-aaral at magulang.

Kaya naman, ikinatuwa natin ang ipinalabas na pahayag ng DepEd na magkakaroon ng “provision for monthly connectivity and communication expenses” para sa mga guro sa pamamagitan ng OUA Memo 0920-0124 na mula sa tanggapan ni Undersecretary Alain Pascua. Gayunman, hindi absoluto ang “incentive” na ito, bagkus may mga kondisyon. Halimbawa na lamang ay ang requirement na mag-activate sa DepEd Commons ang mga guro upang ma-qualify at ang pagtatakda ng deadline na hanggang sa Setyembre 21 na lamang.

Kung talagang sinsero ang DepEd na tulungan ang mga guro para makaagapay sa mga pagbabago at hamoon ng ‘new normal, mas mainam na ‘di hamak kung itutulak nila ang paglalaan ng Kongreso ng budget para sa libreng laptop at buwanang internet allowance para sa lahat ng guro. Marami nang mambabatas ang umayon sa panawagan nating ito, ang kulang na lamang ay ang paggigiit ng mismong pamunuan ng ating ahensiya.

Ano ba ang mayroon sa DepEd Commons at ipinagpipilitan ito sa mga guro? Hindi ba at kusa naman natin itong ginagamit? Kung papaanong kusa rin nating ginagamit ang anumang available online resources na alam nating makakatulong sa ating pagtuturo?

Laging paalala sa atin ng DepEd na dapat ay WALANG BATANG MAIIWAN, pero bakit sa kanilang mga programa ay MARAMING GURO ANG NAIIWAN?

#DapatAll #FreeLaptop #InternetAllowanceIbigay #WalangKondisyon

For details:
Emmalyn Policarpio, Secretary-General
0923-0819751

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.