Pahayag ng True Colors Coalition (TCC) sa maagang pagpapalaya kay US military serviceman Joseph Pemberton mula sa pagkakakulong

“𝘼𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙧𝙤𝙨𝙚𝙨𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙮 𝙅𝙤𝙨𝙚𝙥𝙝 𝙋𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧𝙩𝙤𝙣 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙪𝙨𝙖𝙥𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙦𝙪𝙖𝙡𝙞𝙛𝙮 𝙨𝙖 𝙂𝙤𝙤𝙙 𝘾𝙤𝙣𝙙𝙪𝙘𝙩 𝙏𝙞𝙢𝙚 𝘼𝙡𝙡𝙤𝙬𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙤 𝙂𝘾𝙏𝘼. 𝙄𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙪𝙨𝙖𝙥𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙬𝙖𝙬𝙖𝙨𝙞𝙬𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞𝙝𝙖𝙣, at 𝙨𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙥𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙧𝙚𝙡𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙞𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙐𝙎 𝙖𝙩 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨.”

Sa sentensyang iginawad kay Pemberton na sampung taong pagkakakulong, ni minsan hindi siya dinala sa National Bilibid Prison kung saan dapat nakakulong ang sinumang nababaan na ng hatol sa krimeng kanilang ginawa. Simula’t simula pa lamang si Pemberton ay ipinuwesto sa isang pasilidad na idineklarang kustodiya ng US, kung atin pang babalikan, mas maaga pang yugto ng kaso ay ginagamit na ng US ang Visiting Forces Agreement (VFA) upang makuha ang kustodiya kay Pemberton. Iwinawasiwas ng US hanggang ngayon ang kanilang pagkubabaw sa atin gamit ang mga di-pantay na kasunduan at ginagamit ito upang tuluyang bawiin ang tagumpay ng ating hanay sa laban para sa hustisya kay Jennifer Laude.

Hindi natin dapat kalimutan na sa ginawang pagpatay kay Jennifer Laude at sa buong proseso ng ating paglaban upang makamit ang hustisya, kumatawan ito sa ating laban bilang isang soberanong bayan na patuloy na kinukubabawan ng US at itinuturing na kolonya. Huwag nating hayaan na ang ating laban para sa katarungan kay Jennifer Laude ay mabawi sa atin.

Sa halip na siya ay palayain ng maaga, mas nararapat na siya ay dalhin sa National Bilibid Prison at doon niya ganap na i-serve ang sentensya sa kanya. Siya ay nagkasala sa ating bansa, nilitis sa ilalim ng ating batas, nahatulan, at dapat niya itong pagbayaran ng nasa ilalim ng ating kustodiya.

Hinahamon ng buong True Colors Coalition (TCC) ang gubyernong Duterte, tindigan ninyo ang laban na ito ng sektor ng LGBTQ at ng buong mamamayan para sa katarungan kay Jennifer Laude. Patunayan ninyo ang pagiging isang soberanong bansa ng Pilipinas.

IGIIT ang ating Soberanya, IKULONG si Pemberton sa Bilibid, at IBASURA ang VFA-EDCA!

Tungkol sa TCC:
Ang TCC ay isang pulitikal na organisasyon ng mga LGBT activist na nauna nang sumama sa malawakang protesta noong 2014 laban sa madugong pagpatay kay transwoman Jennifer Laude sa Olongapo. Kabilang ito sa kampanyang palakasin ang kilusang LGBT para na karapatan, pagkakapantay pantay at kalayaan. Ang TCC ay bahagi ng network ng PAHRA at iDEFEND.

September 3, 2020

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading