[Statement] Tugon ng TDC sa opisyal na pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DEPED) ngayong umaga (subalit may petsang Hulyo 1, 2020)

Tugon ng TDC sa opisyal na pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DEPED) ngayong umaga (subalit may petsang Hulyo 1, 2020)

Hindi pinangalanan ang “ilang organisasyon” na tinutukoy sinasabi at hindi naman namin ipinapalagay na kami ang tinutukoy, sapagkat kailanman ay hindi naman nagsabi ang TDC na aming “nirerepresenta ang pananaw at opinyon ng mga pampublikong guro sa kabuuan.” Malinaw rin na anumang ilabas naming pahayag o anumang pagkilos ang gawin ng TDC ay dumaraan sa mga konsultasyon at kaisahan sa iba’t ibang antas ng aming organisasyon. Hindi rin namin kailanman sinabi na ang aming mga pananaw ay “mula sa mga pananaw ng lahat ng guro sa pampublikong paaralan.”

Gayunman, lubos na nakalulungkot ang ganitong uri ng opisyal na pahayag ng Kagawaran- buong kagawaran sapagkat hindi naman ito personal na pahayag ng isang undersecretary o ng secretary mismo- kundi ng Kagawaran ng Edukasyon. Bakit umabot sa ganitong antas ng diskurso ang DepEd? Hindi ba maaaring kilalanin muna kung balido o lehitimo ang mga pahayag o mga usaping inilalabas ng “ilang organisasyon” na tinutukoy bago patahimikin gamit ang teknikalidad ng batas? Oo nga’t walang nag-iisang organisasyon na magiging kinatawan ng mga guro sa buong bansa alinsunod sa mga resolusyon ng PSLMC (hindi pa ng EO 180), malinaw naman na sinasabi ng Magna Carta for Public School Teachers (RA 4670) na marapat lamang ang konsultasyon sa “mga” pambansang organisasyon ng mga guro. Malinaw ang tadhana ng nasabing batas sa Section 29, “National Teacher’s Organizations. National teachers’ organizations shall be consulted in the formulation of national educational policies and professional standards, and in the formulation of national policies governing the social security of the teachers.”

Uulitin po namin, dahil sa mga umiiral na polisiya ng PSLMC na naglilimita sa pag-oorganisa, hindi magkakaroon ng iisang pambansang organisasyon ang mga guro dahil kada rehiyon ang pagpaparehistro. Ibig sabihin ba nito ay etsapwera na ang mga organisasyon ng mga guro na may pambansang saklaw?

Paano nangyaring patuloy ang pakikipag-ugyanan ng DepEd sa samahan ng mga magulang, mga opisyal ng pamahalaan at mga NGOs samantalang hindi nila kinakausap ang mga organisadong hanay ng mga guro? Ang gusto lamang bang kausap ng DepEd ay ang mga umaayon sa lahat ng sinasabi nila? Paano naman ang mga magulang, mga lokal na pamahalaan at mga NGO na may lehitimong isyu? Paano naman ang mga organisadong hanay ng mga guro, hindi na ba pakikinggan ang kanilang hinaing? Dahil ba minorya lamang ang tingin ng DepEd sa amin? Ganoon na ba mag-isip ang pamunuan ng ating kagawaran? Hindi ba’t ilan sa mga pinuno ng DepEd ngayon ay mga dating aktibo sa civil society o mga naging aktbista sa mahabang panahon?

Napapanahon, balido at lehitimo ang lahat ng mga usaping nais talakayin ng “ilang organisasyong” tinutukoy marahil ng DepEd sa kanilang pahayag. Ilan diyan ang mga sumusunod:

1. Paglabag sa alternative work arrangement sa field kung saan nag-uulat nang pisikal ang mga guro mula pa noong Hunyo 22 sa kabila ng paulit-ulit na paglilinaw mula mismo sa Central Office;

2. Ang kahilingan natin para sa libreng laptop computers at distance teaching/internet allowance;;

3. Ang patuloy na pagpapagawa ng mga modules sa mga guro bagamat dapat itong gawin ng supervisors, specialists at selected master teachers ayon na rin sa Central Office;

4. Mga ulat ng pamimimilit sa ilang guro na makumpleto ang expected enrollees kahit pa kailanganing magbahay-bahay;

5. Mga ulat ng sapilitang pagbebenta ng mga USB na may lamang learning modules at iba pang mga kagamitan sa mga guro sa ilang dibisyon;

6. Ang kahilingan natin upang ipagpaliban ang IPCRF sa mga pagkakataong hindi ito maaaring isagawa sa mga paaralan;

7. Limitado o kawalan ng internet access sa maraming barangay sa bansa na maaaring makaapekto sa pagtuturo ng mga guro;

8. Kakulangan sa kahandaan ng mga magulang at mag-aaral para sa distance learning modality;

9. Ang kahilingan natin para sa malawakan at de-kalidad ng pagsasanay sa mga guro;

10. Pagtitiyak ng kalusugan ng mga guro sa panahon ng pandemya at pagpapatupad ng mga probisyon ng Magna Carta gaya ng health benefits, special hardship allowance, overtime pay at iba pa; at

11. Pagbibigay ng mga de-kalidad na mga aklat at learning modules sa mga mag-aaral.

Para sa kaalaman ng lahat, nasa labindalawang sulat (12) na ang ipinadala ng TDC sa Central Office mula noong Setyembre 2018 upang talakayin ang iba’t ibang usapin. Lahat ng sulat na ito ay humihingi ng isang dayalogo. Subalit lubhang mailap ang pamunuan ng DepEd at tila hindi gustong makausap ang mga frontliners ng Kagawaran.

Batid namin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikisa sa ating kagawaran sa ganitong panahon, at iyan naman ang aming iniaalok bagamat paulit-ulit kaming tinatanggihan. Kung nais ng DepEd na matiyak na magiging matagumpay ang programa, ang una niyang dapat konsultahin ay ang mga guro- ang mga mismong tagapagpatupad ng kanyang programa.

Sa pahayag na ito ng DepEd, tila sila ang ayaw ng pakikiisa at pagkakaisa. #

#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.