[Event] Tug Tug Pak “Online Art Series and Livestream” -YND

Lampas isang buwan na mula ng ideklara Enhanced Community Quarrantine. Sa gitna nito, pinanghawakan ng kabataan ang kanilang papel na maging boses ng lipunan para magtambol ng mga isyung panlipunan sa gitna ng lockdown. Sa pangunguna ng kabataang mulat ay naikalampag online hanggang magbunga ng resulta ang mga panawagang #MassTestingNow, #FundsForOurFrontliners, dagdag kompensasyon sa mga volunteer health workers, pag-atras ng kaso laban kay Vico Sotto, pagpigil sa imbestigasyon ng NBI kay VP Leni. Patuloy din ang panawagan para sa #AyudaParaSaMasa at walang pahingang pag-gampan ng kabataan sa “pagrereklamo” laban sa mga hindi maka-mamamayan na hakbang ng pamahalaan at kabagalan ng tugon nito sa mga pangangailangan lalo ng maralita.
Sa ganang ito, ang Youth for Nationalism and Democracy, sa pangunguna ng organisasyong pangkultura nito na Teatrong Bayan ay maglulunsad ng isang “Online Art Series and Livestream” gamit ang mga social media accounts nito.
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.