[Statement] Pagkain, tulong, proteksyon, hindi banta ng pandarahas -iDEFEND

Tuwiran nang nilantad ni Pangulong Duterte ang kawalang kakayahan ng gobyernong tugunan ang pinakamahahalagang usapin sa panahon ng pandemyang COVID19.

Sa gitna ng kagutuman at kahirapang dulot ng Luzon lockdown ang tanging sagot ni Duterte sa mamamayang kumakalam ang sikmura ay pananakot at pandarahas. Subalit higit na pinsala ang inutil at militaristang tugon ni Duterte sa hinaing ng mamamayan.

Matatandaang ito rin ang naging tugon niya sa anya’y talamak na problema sa droga. Tuloy tuloy ang EJK sa ilalim ng giyera laban sa droga. Dumagdag sa panganib na ito ang pandemyang coronavirus.

Imbes na pabilisin ang proseso at pahusayin ang pagbibigay ng ayudang pagkain o pera sa mamamayan, bibigwasan tayo ng “maghintay na lang” at may sundot pang “walang mamamatay sa gutom”.

Maari ngang wala pang namamatay sa gutom mula sa sitwasyong dulot ng COVID -19, ngunit tiyak na marami nang namatay mula sa kapabayaan ng gubyerno, tingnan na lamang ang bilang ng namatay na mga medical personnel bunga ng kawalan ng sapat na personal protective equipment o mga mamamayang namatay na sa COVID-19 na di man lang inabot ng testing.

Sa pagka insecure ni Duterte sa tibay ng suporta sa kanya ng mamamayan, sinimulan ang panggigipit sa mga lider tulad ni Mayor Vico Sotto ng Pasig, na patuloy na nagbibigay ayuda na ramdam ng kanyang mga nasasakupan. Sinimulan din ang planong pag iimbestiga kay Vice President Leni Robredo, dahil sa mababaw na dahilang nauungusan ang ehekutibo (nasyunal na pamahalaan) sa pamimigay ng serbisyo sa tao. Lalong masaklap ang BAHO Law (R.A. 11469) na naka ambang tugisin ang mga kritiko ng palpak na mga patakarang pambansa sa harap ng pandemyang COVID-19.

Sa totoo, hindi na dapat problema ang pera—ito ang unang tiniyak sa paspasang pag-apruba ng Bayanihan We Heal As One Act. Matapos ang isang linggong walang nangyari, higit na malinaw ngayon na walang konkreto at epektibong plano ang pambansang gobyerno sa kabila ng emergency powers na ipinagkaloob kay Duterte.

Nanatiling maraming mamamayan ang naiiwan sa para-paraang pag-angkop sa sitwasyong bunga ng enhanced community quarantine o lockdown. Pasakit at hindi malasakit ang sukli sa mamamayang pwersadong manatili sa kanilang mga pamayanan.

Saan ngayon aasa ang Pilipino kundi sa sarili na nyang lakas at talinong mapanlikha? Sinu sino ang magtutulungan kundi ang mga sektor at komunidad na higit na apektado ng crisis sa kalusugan at crisis sa pamahalaan? Nakanino ang kaligtasan kundi sa ating aktibong pagkilos na mismo?

Read more @idefend.ph

HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.