[Tula] Hindi krimen ang aktibismo -ni Greg Bituin Jr.

aktibista’y katulad ng mga Katipunero
sila’y may simulain at niyakap na prinsipyo
itinataguyod ang pakikipagkapwa-tao,
katarungan at pagkakapantay-pantay sa mundo

isang lipunang makatao ang pangarap nila
isang lipunang walang ganid na kapitalista
lipunang umiiral ang panlipunang hustisya
lipunang walang pang-aapi’t pagsasamantala

aktibista’y kumikilos para sa karapatan
ng tao at para sa katarungang panlipunan
nais nilang mawala na ang tiwali’t gahaman
upang magkaroon ng ginhawa’t kapanatagan

kinakalaban ng aktibista ang mga sakim
sa kapangyarihan at nagdudulot ng panimdim
kinakalaban nila ang diktadurang malagim
na ang puso’t isipan ng namumuno’y madilim

kaya di krimen ang may prinsipyo’t ang aktibismo!
ang kriminal ay yaong mga negosyanteng tuso
na nanghuhuthot sa lakas-paggawa ng obrero
at palakad sa pamahalaan ay tiraniko

sa gobyerno’y kriminal ang pinunong tuso’t tunggak
na sa elitistang naghahari pumapalakpak
kriminal ang pinunong pagpaslang ang nasa utak
kaya dapat lang ang mga tulad nila’y ibagsak!

– gregbituinjr.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.