[Tula] Hustisya sa mga desaparesidos -ni Greg Bituin Jr.

wala kaming puntod na titirikan ng kandila
hanggang ngayon, sa mahal namin ay nangungulila
sila’y aktibistang nagsikilos upang lumaya
mula sa pagsasamantala ang bayan at dukha

inorganisa ang kababaihan, manggagawa
magsasaka, kabataang estudyante, ang madla
ang guro, manininda, abugado, mangingisda
subalit sila’y dinukot, sinaktan, iwinala

hinanap ng pamilya ang kanilang katauhan
nagtungo sa mga ospital, presinto, kulungan
nagbabakasakaling may bakas silang naiwan
sinong saksi, sinong maysala o may kagagawan

sa paghahanap sa kanila’y di dapat mabagot
sa nangyaring pagkawala, sinong dapat managot
krimen at pangyayaring ganito’ y dapat malagot
mga naiwang katanungan ay dapat masagot

hustisya’y aming sigaw, sa kampo, korte, kalsada
saanmang lugar, panawagan namin ay hustisya
mga desaparesidos sana’y matagpuan na
mga mahal naming iwinala, sana’y makita

– gregbituinjr.
* Inihanda para sa paggunita ng grupong FIND (Families of Victims of Involuntary Disappearace) sa kanilang mga mahal na desaparesidos sa Nobyembre 2, 2019, mula 9am-12nn, sa Baclaran Church.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s