[Statement] Ngayong Teachers’ Day, hindi discount ang kailangan ng mga guro kundi dignidad! -TDC

Mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 bawat taon ay ipinagdiriwang ng ating bansa ang National Teachers’ Month, samantala deklarado naman bilang World Teachers’ Day ang Oktubre 5. Panahon ito ng pagkilala at papuri sa mga guro. Panahon ng pagbibigay ng bulaklak, mabubuting talumpati at paulit-ulit na pagbigkas ng mga gasgas nang linyang “Pagtuturo ang Pinakamarangal na Propesyon.”

Bukod dito, panahon din ito ng mga diskuwento sa mga produkto o serbisyo na iniaalok sa mga guro- mula spa, buffet restaurant, sine, derma clinic, amusement park at maging funeral service.

Ikinalulugod ng Departmnent of Education (DepEd) ang mga discount na ito. Maging sa ating hanay ay ikinatutuwa natin ang mga ganitong pakikiisa ng pribadong sektor sapagkat ipinakikita nito ang dalawang bagay. Una, ito ay pagkilala sa atin sa pagdiriwang ng ating araw. At ikalawa, pagkilala rin ito na kailangan natin ang diskuwento sa ilang mga produkto o serbisyong hindi abot-kaya ng mga guro sa isang normal na sitwasyon.

Sa kabila naman ng pagpapasalamat, nais nating ulitin na hindi sapat ang mga diskuwentong ito upang ibsan ang ating hirap at mabigyan ng pagkilala ang ating propesyon. Sa katunayan nga, ayon sa mga eksperto sa financial literacy, ang mga diskuwento ay hindi nakatutulong upang makatipid, bagkus lalong nagtutulak lamang sa mga consumer upang gumastos o bumili ng produktong mas mura ang halaga ngunit hindi naman nesesidad. Idagdag pa na ang marami sa mga establisimiyentong ito ay matatagpuan lamang sa palibot ng National Capital Region (NCR) at ilan pang sentrong lungsod, kaya kung may pakinabang man, hindi ito mapakikinabangan ng mayorya ng mga guro sa bansa.

Ang mga discount ay panandalian, kung hindi man pang-uuto lamang. Ang kailangan natin ay ang pagbibigay ng mga pangmatagalang solusyon sa ating mga suliraning pangkabuhayan. Ang kailangan natin ay makatarungang sistema ng pasahod na hindi nakatali sa salary standardization law (SSL). Ang kailangan natin ay P10, 000 across-the-board na umento para sa mga guro at kawani ng DepEd. Ang kailangan natin ay P10, 000 teaching aids allowance. Ang kailangan natin ay pagpapatupad ng overtime pay, special hardship allowance, free medical service at hospitalization, paid study leave at iba pang benepisyong itinatakda ng Magna Carta for public School Teachers (RA 4670). Ang kailangan natin ay makalaya sa mga ‘di makatarungang polisiya ng GSIS.

Ang kailangan natin ay ang tunay na pangangalaga at malasakit ng DepEd at buong pamahalaan.

Kung hindi ito maibibigay o maipararamdam man lang sa mga guro, mananatiling hungkag ang selebrasyon ng National Teachers Month at World Teachers’ Day. Sapagkat paano tayo magdiriwang kung ang katotohanan ay mas maraming bagay ang dapat ikalungkot? Paano tayo magdiriwang sa loob ng isang araw kung buong taon naman tayong pinahihirapan? Paano tayo magdiriwang kung pati ang gastusin sa pagdiriwang na ito ay atin pang pinag-aambagan?

May mandato ang batas kay Sec. Leonor Briones na ipatupad ang tadhana ng Magna Carta for Public School Teachers na noon pang 1966 isinabatas. May obligasyon ang DepEd na suportahan ang hinaing ng mga guro para sa P10, 000 umento. Batid ng DepEd na kulang ang taunang P3,500 cash allowance (chalk allowance) sa araw-araw na pangangailangan sa pagtuturo. Alam na alam ng DepEd na maraming guro ang namamatay sa mga sakit na maari sanang malunasan. Ipinakita natin sa DepEd kung paano tayo iginigisa ng GSIS sa sarili nating mantika.

Ito ang mga bagay na nais sana nating marinig mula sa pamunuan ng ating Department of Education (DepEd).

Salamat sa discount, pero ang kailangan ng mga guro ay Dignidad!

Teachers’ Dignity Coalition (TDC)
Oktubre 2, 2019

For details:
Benjo Basas, National Chairperson 0927-3356375
Emmalyn Policarpio, Secretary-General 0923-0819751

TEACHERS’ DIGNITY COALITION (TDC)Telephone No: (02) 6920-296/ 0917-1138336
4443 BCL Homes, Independence St., Gen.T. De Leon, Valenzuela City

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s