[Statement] Ito ang katotohanan, hindi ito drama -TDC

Ayon kay Sec. Leonor Briones, ang sinasabing pagkabulok ng may tatlong milyong aklat sa imbakan ng DepEd ay isa lamang umanong drama. Bahagi ito ng kanyang pahayag sa pagharap niya sa Senado kahapon. Muli niyang minaliit ang usapin na diumano ay pinalala lamang ng mga ulat sa pahayagan at mga komentaryo. Subalit hindi iyan ang usaping nais nating bigyan ng pansin.

Ang mas dapat tingnan sa isyu ng mga aklat sa pampublikong paaralan ay ang kawalan ng mga ito sa maraming asignatura sa ilang antas. Ang marapat sanang sipatin ng kalihim ay ang sitwasyon sa mga paaralan sa bansa, lalo na yaong nasa malalayo sa mata ng media at hindi agad makapag-uulat. Ano nga ba ang kalagayan ng mga paaralang ito kung ang pag-uusapan ay mga instructional materials (learning materials at teachers’ guide)? Sapat ba ang mga ito sa kasalukuyan at kailangang maglagak ng buffer o reserbang materyales sa imbakan? Ito ang katotohanan, hindi ito drama.

Bagamat nauunawaan natin ang proseso ng procurement gayun na rin ang pahayag ng kalihim na walang nakitang katiwalian maging ang COA sa mga aklat na nasa bodega, maliwanag naman na mayroong kapabayaan kung ganito ang sitwasyon. Bakit gumagastos ng milyun-milyon sa buffer kung marami pang kulang na aklat ang hindi pa naipapamahagi sa mga paaralan?

Ito ay hindi drama. Sa aming pagtatanong na ginawa sa social media, mabubunyag na maraming mga asignatura, mula elementarya, junior high school at maging senior high school ang walang opisyal na ginagamit na batayang aklat ang guro. Paano niya maisasagawa ang magturo batay sa istandard ng Kagawaran kung wala siyang pinagbabatayan? Ayon din sa mga guro na tumugon sa aming tanong, hindi tumutugma ang ilang batayang aklat o learning materials sa curriculum guide na ginawa mismo ng DepEd.

Ito ang katotohanan, hindi ito drama. Halimbawa, maraming nag-ulat na wala silang aklat sa Araling Panlipunan Grade 10; marami rin ang nagsabing wala silang aklat ng Mathematics sa Grade 7; English sa Grade 8; PE at Mathematics sa Grades 11 at 12; TLE sa Grade 9; Science sa Grade 4; English sa Grade 2; AP, English, Science, Filipino, Health at PE sa Grade 6 (may ulat mula sa Bacoor at Eastern Samar na wala kahit isang aklat sa Grade 6); at marami pang iba. Ang mga ulat ay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang NCR at iba pang mga pangunahing pook-urban sa bansa.

Ito ang katotohanan, hindi ito drama at ito ang nais nating bigyan sana ng aksiyon ng ating Kagawaran. Hindi naman ngayon lamang natin ito inilahad sa pamunuan ng DepEd. Nabanggit na rin ito nang makailang ulit sa mga nagdaang dayalogo at pagpupulong, bago pa ang ulat na inilabas ng COA.

Ang katotohanan at hindi drama, mga guro ang siyang nagpupuno ng pagkukulang ng sistema, siya ang gumagastos sa kanyang mga kagamitan sa pagtuturo na hindi nailalaan sa kanya ng gobyerno. Sapagkat ang katotohanan at hindi drama, malaking mayorya pa rin ng mga gurong Pilipino ay nagmamahal sa kanilang piniling propesyon sa kabila ng mga hamon, mga kakapusan at mga dinaranas na hirap mula sa mabigat na trabaho, napakababang sahod at kulang na mga benepisyo. Idagdag pa ang malasakit at kalingang hinahanap sana ng mga guro mula sa kanyang Kagawaran.

Ito ang katotohanan, hindi ito drama. #

For details:
Emmalyn Policarpio, Gen. T. De Leon ES, Valenzuela/TDC-Secretary General
0923-3143106

For interview with teachers:
Marcelina Dumaguing, Potrero ES, Malabon
0939-3940141

Olivia De Guzman, Morning Breeze ES, Caloocan/TDC Vice Chairperson
0927-3383458

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s