[Statement] Sigaw ng Babaeng OFW: Pagkilala, Paggalang at Kapangyarihan -CMA

Sigaw ng Babaeng OFW: Pagkilala, Paggalang at Kapangyarihan

Pahayag ng Center for Migrant Advocacy – Philippines Inc. sa pagdiriwang ng 2019 Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Taun-taon, mas malaking porsyento ng ating mga manggagawa sa ibang bansa ay mga kababaihang nahihiwalay sa kanilang mga pamilya dahil sa kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho sa ating bansa. Patuloy ang pagmamaliit, pambabastos, at pagsasawalang bahala sa kanilang mga hinaing. Sa mga pagkakataong nakapagsasalita ang mga kababaihan, pili lamang ang pinakikinggan. Sa araw ng pandaigdigang araw ng mga kababaihan, ang panawagan ng kababaihang manggagawa sa ibang bansa: Pagkilala, Pagpapahalaga, Paggalang at Kapangyarihan. Tama na ang pagmamaliit, pambabastos at pagsasawalang bahala sa mga kababaihan!

Isang-katlo ng mga OFWs natin ay mga kababaihang nasa linya ng domestic work o gawaing bahay. Araw-araw nilang kinahaharap ang panganib ng pang-aabuso at karahasan. Sa kabila ng mga patakaran at batas na naglalayong protektahan ang mga manggagawang kababaihan sa ibang bansa, patuloy pa rin ang ang pangamba at panganib. At kahit gaano pa ka-progresibo ang mga batas, kung ang nagpapatupad naman nito ay patuloy ang pambabastos at pagsasawalang-bahala sa mga maaring kahinatnan ng kaniyang mga salita, walang tunay na pagbabago ang darating sa ating mga kababaihan.

Panahon na para kilalanin ang kakayahan ng mga manggagawang kababaihan na itakda kung ano ang nararapat para sa kanila. Panahon na para igalang ang kanilang mga karapatang pantao. Higit sa lahat, panahon na para bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihang hubugin ang kanilang sariling landas.

Mga kababaihang OFWs, karapatan ipaglaban! Ang Pagkilala, pagpapahalaga, paggalang at kapangyarihan ay nakasalalay sa sama-samang pagkilos, pag oorganisa at aktibong paglaban sa isang kalakaran at kulturang marahas, mapagsamantala at mababa ang pagtingin sa mga kababaihan.

Mabuhay ang mga kababaihan! Mabuhay Babaeng OFWs!

Manlaban, Manlaban, Karapatan, Ipaglaban!

https://www.facebook.com/notes/center-for-migrant-advocacy-phils-inc/sigaw-ng-babaeng-ofw-pagkilala-paggalang-at-kapangyarihan/2500617956727372/?fbclid=IwAR0wWEpdLb6U3_ucixlSlbnCEmJXTfi7Bly-ygn5TrDJPdRuhrEjAgurJFA

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s