Tag Archives: International Women’s day 2019

[Statement] Pahayag sa Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan -Oriang

Pahayag sa Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Habang nangangako ang mga kandidato para sa 2019 eleksyon, huwag nating hayaan na sila lang ang mapapakinggan. Panahon na sila naman ang makinig sa atin, lalo na ngayong Araw ng Kababaihan!

Kaisa ang Oriang sa daan-daang libong mga kababaihan sa buong mundo na nagmamartsa para sa karapatan at kalayaan mula sa kaapihan ngayong Marso 8. Mula sa iba’t ibang karanasan, karamihan pa rin ng mga kababaihan ay nakikibaka para sa pang-araw-araw na kahirapan at karahasan – panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitika man. Kung kaya nananawagan ang Oriang para sa kaagad at buong pagtugon sa mga sumusunod na isyu:

Seguruhin ang regular at disenteng trabaho. Sa tuwing matatapos na ang limang buwan na kontrata sa pagawaan, aligaga na ang babae sa tahanan. Maaaring siya mismo ang mawawalan ng trabaho o ang kanyang partner sa pagpapamilya. Ang patuloy na kontraktwalisasyon ay hadlang sa pagkakaroon ng kakayanang makapaglaan ng sariling pangangailangan, kaya’t nauuwi sa kakapusan. Samantala, kung may trabaho man, kailangan pa ring sukatin kung ito’y makatao at disente, lalong lalo na sa usapin ng sahod at proteksyon sa manggagawa.

Maraming kababaihan ang nasa trabahong impormal dahil sa kulang sa oportunidad na makapasok sa mga pormal na trabaho. Bilang mga manggagawang impormal naman, mapapansin din ang limitasyon sa antas ng pagkilala sa kanila, sa porma ng suportang serbisyo, panlipunang proteksyon, at oportunidad sa pamilihan.

Ibaba ang presyo ng bilihin at pagkain! Pasanin ng karamihang kababaihan ang presyong pang-araw-araw na gastusin, lalo na ang pagkain. Ang mga nagdaang krisis sa presyo ng bigas at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay maiuugnay sa pinataas na mga pagbubuwis sa ilalim ng TRAIN Law. Hindi dapat magmaang-maangan ang mga namamahala na ang tanging tulak sa presyo ng bilihin ay ang merkado. Malinaw naman na ang dagdag buwis sa krudo ay pumatong sa gastos sa produksyon ng pagkain. Hindi lang nagmahal ang bigas dahil kulang sa suplay, kundi dahil nananatiling mataas ang gastos sa produksyon nito kumpara sa ibang bansa. Kinakailangang suportahan ang mga lokal na magbubukid, sa halip na ang gawing solusyon ay importasyon.

No to ChaCha, No to Federalism! No to trapos at political dynasties! Hindi klaro ang mungkahing pagbabago sa konstitusyon. Kung may klaro man, ito ang interes ng mga tradisyunal na pulitiko na hindi masagasaan ang kanilang mga karera sa pulitika, bilang indibidwal o bilang angkan. Kaya nga gusto ng mga trapo na tanggalin ang term limits sa posisyon na kanilang inuupuan. Ang political dynasty ay kontra-demokrasya dahil pinananatili nito ang kapangyarihan sa iilan. Nararapat lamang na ang ating iboto ay ang mga kampyon at tagapagsulong ng interes ng kabataan at kababaihan, at klaro na handang bumangga sa sistemang trapo at political dynasty.

Wakasan ang karahasan sa kababaihan! Tutulan ang impyunidad! Sinasabing isa sa apat na babae ang nakakaranas ng pang-aabuso at karahasan. Nangyayari ito hindi dahil sa nagkataon lamang, bagkus ito’y bunga ng sistematikong opresyon ng kababaihan. Bunga ng pagtinging ang babae ay mababa at mahina. Bunga ng pagtinging maaaring bastusin ang kanyang katawan. Bunga ng kulturang minamaliit ang babae at ginagawang katatawanan, gaya ng mga bastos na biro ng Presidente. Kailangan na itong wakasan! Ang patuloy na karahasan sa ating mga komunidad – ang karahasan laban sa kababaihan, karahasan laban sa mahihina, ang mga biktima ng mga extrajudicial killings – ay mahirap wakasan kung wala namang napaparusahan. Kaya nananawagan din tayo ng pagtutol sa impyunidad. Pagtibayin ang batas at sistemang magbibigay katarungan; siguruhin natin ang akses sa hustisya!

Ipatupad ang sapat na badyet para sa implementasyon ng RPRH Law! Kaytagal nating hinintay ang pagsasabatas ng RA 10354 para sa reproductive health. Huwag nating hayaan na mawalan ito ng saysay dahil lamang sa kakulangan ng badyet para sa programang magsisiguro ng mga elemento ng kalusugan ng babae. Kung tunay na sinsero ang pamahalaan, kailangang tumbasan ng badyet ang mga programang magsisiguro sa mga kababaihan at batang babae na higit na magkakaroon ng kontrol na makapagpasiya sa kanyang sariling katawan.

Hustisyang Pangklima! Hihintayin pa ba nating magkaroon pa ng kalamidad, gaya ng Yolanda, Pablo, atbp., upang maunawaan na bùhay ang nakataya kung hindi sama-samang tutuparin ng mga bansa ang kanilang komitment sa mga kasunduang ugnay sa pagbabago ng klima. Kailangang bawasan na ang mga gawain at pamamaraang mapanira sa ating kapaligiran, lalo na ang magpapainit sa ating klima. Siguruhin ang Malinis, Abot Kaya at Renewable na pamamaraan para magkaroon ng kuryente! Agad-agad ipatigil na ang mga maduduming paraan ng pagkakaroon ng enerhiya o kuryente, gaya ng mga coal-fired power plants.

Tutulan ang Mining! Nilalagay ng pagmimina sa panganib ang maraming komunidad sa paligid nito, samantalang sinisira naman nito ang kapaligiran at kabuhayan ng mga susunod na henerasyon! Mahirap nang ibalik sa dati ang mga kabundukang namina na. Mahirap nang pasiglahing muli ang kalusugan ng mga mamamayang nalason sa mga kmikal na katas mula sa mina. Lalong hindi na maibabalik ang buhay ng mga namatay sa pagtatanggol ng kanilang lupain at pagbangga sa mga korporasyon ng mina. Unawain natin ang sitwasyong matindi ang epekto sa mga babae – bilang tagapangalaga ng kalusugan sa komunidad, bilang tagapagseguro ng pagkain, bilang women human rights defenders.

Tangan ang mga isyung ito, huwag maging kampanta kayong mga pulitiko! Mapanuri kaming sasabak sa eleksyon at sisiguruhn naming ang BOTO NG KABABAIHAN AY PARA SA KARAPATAN AT KAGALINGAN NG LAHAT, HINDI NG IILAN!

Marso 8, 2019
ORIANG Women’s Movement Inc.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

 

[In the news] Women join hands in protest against misogyny on Int’l Women’s Day -GMA news

Women join hands in protest against misogyny on Int’l Women’s Day

Hundreds of women from different sectors united and flocked to the La Madre Filipina Statue at Rizal Park during International Women’s Day on Friday to call for an end to abuses and discrimination experienced by women in the country.

Women’s rights advocates, clad in purple and white with flower crowns on their heads and sashes over their torsos, chanted “Tama na ang kabastusan! Sulong kababaihan! Tama na ang abuso! Sulong kababaihan!”

According to Marielle Rugas, convener of Girls for Peace, over 100 organizations and schools such as Akbayan Women and Gabriela, as well as EveryWoman, One Billion Rising, Miriam College, among others, joined together to both protest for equal rights and at the same time celebrate International Women’s Day.

A series of cultural performances from the different organizations captured the audience’s attention, all showcasing women empowerment through dance, song, or play.

Read full article @www.gmanetwork.com

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Statement] Women Human Rights Defenders suffer the brunt of the attacks of Duterte -TFDP

Women Human Rights Defenders suffer the brunt of the attacks of Duterte

Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), a human rights organization and mission partner of the Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), commemorates the International Women’s Day by extending our solidarity with the women’s movement and condemn the attacks they suffer from the Duterte Administration from misogyny up to detention and killings.

Women activists suffer the same fate as other HRDs, harassed and threatened online and offline, subjected to misogynistic comments and abuses, tagged as enemies of the State, detained, and worse, killed because of their work as human rights workers and activists.

Just like in the case of Sister Susan Octavio Bolanio, 66 years old, Oblates of Notre Dame congregation, who has been receiving series of messages, red-tagging and associating her with the New People’s Army (NPA). This is because of Sr. Bolanio’s alleged involvement in cases filed by victims and in fact-finding missions conducted by human rights groups regarding the TAMASCO massacre in Sitio Tulali, Brgy. Santo Nino, Bagumbayan Sultan Kudarat, and Sitio Datal Bonglangon, Brgy. Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Sr. Susan Bolanio has been a nun since 1971. She is currently working with OND-HESED Foundation, which is serving 67 communities in South Cotabato and Sarangani Province. OND-HESED has been working with TAMASCO for 20 years now.

Another case is that of Myra Opada, who together with Lucille Gesta, and Aurelia Parangan, officers and members of the Philippine Light Leather Employees Union (PLLEU) and former employees of the Mactan Export Processing Zone (MEPZ) in Barangay Pusok, Lapulapu City, Cebu, was harassed and tagged as wanted persons by MEPZ HR Personnel.

These are just a few of the documented cases of TFDP on violations committed against women human rights defenders by the government and private corporations. The harassments of MEPZ against Opada and her co-union members can be rooted from the struggles that these women have been leading in defense of their rights as workers.

Red tagging or linking human rights defenders to rebel groups has been the way of government to discredit and silence human rights defenders like Sr. Susan Bolanio. This will also lead to trumped-up charges and arbitrary arrests and detention to cripple or cause a chilling effect to communities and groups that are actively pursuing issues concerning rights of the marginalized like that of the members of T’boli Manobo S’daf Claimants Organization or TAMASCO.

President Duterte has been throwing invectives against women and even encourages that women whom they allege as amazonas or women members of NPAs be shot in their vaginas.

Let us remind the President that his way of expressing his disgusts for human rights defenders especially women during his public appearances abets violence against HRDs. It puts HRDs in danger and their lives at risk.

The active campaign of the government against the communists and other rebel groups in the guise of anti-terror campaign leads to attacks and vilification of human rights defenders. It poses more harm especially with his open declaration of war against all who oppose him.

As the head of state, and because the Philippines is signatory to major international human rights conventions, President Duterte must abide by its commitments to each of the U.N. Conventions and treaties.

These conventions and treaties may not be enough to stop his violations, but we always have the Philippine women’s movement that is getting stronger and broader to rely on in exacting justice and holding him accountable to all violations.

Padayon kababaihan, ipaglaban ang karapatan ng lahat!

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Statement] Sigaw ng Babaeng OFW: Pagkilala, Paggalang at Kapangyarihan -CMA

Sigaw ng Babaeng OFW: Pagkilala, Paggalang at Kapangyarihan

Pahayag ng Center for Migrant Advocacy – Philippines Inc. sa pagdiriwang ng 2019 Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Taun-taon, mas malaking porsyento ng ating mga manggagawa sa ibang bansa ay mga kababaihang nahihiwalay sa kanilang mga pamilya dahil sa kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho sa ating bansa. Patuloy ang pagmamaliit, pambabastos, at pagsasawalang bahala sa kanilang mga hinaing. Sa mga pagkakataong nakapagsasalita ang mga kababaihan, pili lamang ang pinakikinggan. Sa araw ng pandaigdigang araw ng mga kababaihan, ang panawagan ng kababaihang manggagawa sa ibang bansa: Pagkilala, Pagpapahalaga, Paggalang at Kapangyarihan. Tama na ang pagmamaliit, pambabastos at pagsasawalang bahala sa mga kababaihan!

Isang-katlo ng mga OFWs natin ay mga kababaihang nasa linya ng domestic work o gawaing bahay. Araw-araw nilang kinahaharap ang panganib ng pang-aabuso at karahasan. Sa kabila ng mga patakaran at batas na naglalayong protektahan ang mga manggagawang kababaihan sa ibang bansa, patuloy pa rin ang ang pangamba at panganib. At kahit gaano pa ka-progresibo ang mga batas, kung ang nagpapatupad naman nito ay patuloy ang pambabastos at pagsasawalang-bahala sa mga maaring kahinatnan ng kaniyang mga salita, walang tunay na pagbabago ang darating sa ating mga kababaihan.

Panahon na para kilalanin ang kakayahan ng mga manggagawang kababaihan na itakda kung ano ang nararapat para sa kanila. Panahon na para igalang ang kanilang mga karapatang pantao. Higit sa lahat, panahon na para bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihang hubugin ang kanilang sariling landas.

Mga kababaihang OFWs, karapatan ipaglaban! Ang Pagkilala, pagpapahalaga, paggalang at kapangyarihan ay nakasalalay sa sama-samang pagkilos, pag oorganisa at aktibong paglaban sa isang kalakaran at kulturang marahas, mapagsamantala at mababa ang pagtingin sa mga kababaihan.

Mabuhay ang mga kababaihan! Mabuhay Babaeng OFWs!

Manlaban, Manlaban, Karapatan, Ipaglaban!

https://www.facebook.com/notes/center-for-migrant-advocacy-phils-inc/sigaw-ng-babaeng-ofw-pagkilala-paggalang-at-kapangyarihan/2500617956727372/?fbclid=IwAR0wWEpdLb6U3_ucixlSlbnCEmJXTfi7Bly-ygn5TrDJPdRuhrEjAgurJFA

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Press Release] Indigenous Women offered song, prayer to protest Kaliwa Dam Project -LILAK

Indigenous Women offered song, prayer to protest Kaliwa Dam Project

Photo by Susan Corpuz

March 8, 2019/Quezon City – “Ang lupa ay ginawa hindi para lunurin sa tubig.” “Land has been created not to be drowned in water”.

This is a line in the song sang in Dumagat, translated in Filipino, by the Indigenous Women in front of the building of Metro Manila Water Sewerage System (MWSS) early this morning, as offering was made by a Dumagat woman leader.

To mark today’s celebration of the International Women’s Day, indigenous women led by Dumagat women, held a short symbolic action to express their opposition to the Kaliwa Dam project of MWSS. The offering of soil, and mama or betel nut, speaks of their connection to the land, and their desire for peace, and harmony with nature.

“Pinipilit ang Kaliwa Dam na ito sa aming mga lupaing ninuno. Kung payagan naming ang proyektong ito para na rin naming pinayagan ang pagkalunod ng 5 barangay sa Rizal at 2 sa aming probinsya ng Quezon,” according to Remedios Marquez, an indigenous woman leader of the Dumagats in Quezon. (“They have insisted to pursue the Kaliwa project here in our ancestral domain. Our consent to this dam is like giving consent to submerge 5 barangays in Rizal, and another 2 in our province Quezon.”)

“Kami naman ay handang mag bahagi sa iba ng biyaya mula sa likas yaman sa loob ng aming lupaing ninuno. Pero sana naman ay huwag sa ikasasalanta ng aming kabuhayan, tirahan, at kultura” added Ms. Marquez. (We are willing to share the riches of the resources within our ancestral domain, but not at the expense of our livelihoods, and our way of life.)

The Kaliwa Dam which costs PhP 18.724 Billion, will be developed to meet the increasing water demand by consumers in Metro Manila. The construction funds will come from a loan with China.

“Ang patuloy na di pagkilala sa aming sariling pagpapasya bilang mga katutubo ay isang porma ng karahasan laban sa aming kababaihan. Kaya kami, mula sa Aeta community, ay kasama sa pagtutol ng Kaliwa Dam”, pahayag ni Teresa dela Cruz, mula sa Zambales. (“The continuing disrespect to our right to self-determination as indigenous people is a form of violence against women. That is why we indigenous women from Zambales joins the protest against Kaliwa Dam.”)

According to Judy A. Pasimio of LILAK (Purple Action for Indigenous Women’s Rights), this dam project is part of the Build, Build, Build Program of the Duterte administration. “Without regard to human rights, and the adverse impacts on human lives, especially those of indigenous peoples, this project becomes part of Duterte’s Kill, Kill, Kill program – kill the environment, kill the food sources, kill the communities’ way of life.”

Several human rights groups also joined the protest action – Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), Focus on the Global South, Alyansa Tigil Mina (ATM), Non-Timber Forest Products –Task Force (NTFP), among others.

“As we celebrate International Women’s Day today, we celebrate the courage of indigenous women who continue to fight for their rights, for the environment, and for a better future, not just for their communities, but for us all,” adds Ms. Pasimio.

For more information-
judy a. pasimio – 09175268341 / judy@lilak.net
Abby Dupale – 09155045530 / abby@lilak.net

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Statement] International Women’s Day 2019: Celebrating Hard-won Victories; Affirming the Women’s Role in the Forefront of Women‘s and Peoples’ Struggles -WMW

Statement of the World March of Women – Pilipinas

International Women’s Day 2019: Celebrating Hard-won Victories; Affirming the Women’s Role in the Forefront of Women‘s and Peoples’ Struggles

Through our mass actions, public gatherings, and different forms of protest, we are commemorating this year’s International Women’s Day as an occasion to celebrate the victories that we have won and to affirm our continuing fight against forces that set us back in our hard-won struggles—forces of patriarchy, of misogyny, as embodied by President Duterte himself, his government, and apparatuses of the state.

Women and women’s movements are under attack worldwide by conservative, authoritarian, misogynistic—and even rogue—regimes. In the Philippines, President Duterte has been all out in his attack on women even before the start of his government—in his remarks that encouraged sexual violence of women and have debased women’s place in the family, community, and society; in his actions that have emboldened his fellow misogynists in government, in the private/business sector, among ordinary folk; in his policies that rob us of our human rights—even that most basic of rights, the right to live and live with dignity.

Duterte’s government has used and continues to use and conspire with the state apparatuses in its attack on women’s social, political, and economic rights:

– the police force in the execution of the war on drugs that have resulted in extra-judicial killings of more than 20,000 people in the estimates of human rights organizations, a war on drugs that is really a war on the poor aimed at ‘cleaning up’ urban poor communities and freeing these spaces that are now intended for private and commercial sector development;

– the military in its implementation of martial law in Mindanao and in bombing Marawi, a war that have also cost the lives, shelter and livelihood of innocent Muslims and indigenous peoples, a war that is also underpinned by business interests whose goal is to control the natural and economic resources of the region;

– still the military in its counter-insurgency and anti-terrorist campaigns which are being used to justify the attacks and harassments of activists and human rights defenders; and killings of community and indigenous leaders fighting for their lands, claiming they were legitimate military operations;

– the legislature in its efforts to change the Constitution in order to weaken, if not erase, its human rights provisions and open up the country’s resources to full foreign ownership and control

– still the legislature in pushing for laws that would renege on the country’s previous commitments to human rights, such as the proposed lowering of minimum age for criminal responsibility, inaction to amend the Anti-Rape Law and place lack of consent at its centre, inaction on the anti-prostitution bill that would shift accountability from prostituted persons onto pimps and buyers;

– the legislature in liberalizing imports through rice tarrification or RA 11203, an anti-farmer law that has brought the rice industry to its deathbed, wherein big corporations only stand to benefit in importing unlimited volumes rice, when what is needed is the support to local production and not to importation;

– the business/corporate sector in collusion with legislators and politicians in ensuring that the anti-ENDO law will not pass;

– the bureaucracy, such as the Department of Agrarian Reform, in overturning the gains of the agrarian reform law by allowing more land conversions.

As we continue to confront these assaults on women’s rights, victories, and advocacies, we want this International Women’s Day to be a day to affirm our role in the forefront of the peoples’ struggles. We have witnessed recently the fruit of more than two decades of work, particularly by those from the labor sector, in the signing into law of the Extended Maternity Leave and Universal Health Coverage. But we shall still press forward as women and hand-in-hand with people’s organizations and broader social movements in defending the Constitution and fighting charter change; in putting a stop to this government’s misogyny and violence against women; in winning legislative advocacies; in ensuring that the coming elections will truly be an opportunity to advance women’s and the people’s social, economic, and political rights, and not the selfish agenda of this administration.

Bagong Kamalayan Prostitution Survivors’ Collective, Inc.
BUKLOD Olongapo
Center for Migrant Advocacy (CMA)
Coalition Against Trafficking In Women – Asia Pacific (CATW-AP)
Foundation for Media Alternatives (FMA)
Lilak (Purple Action for Indigenous Women’s Rights)
National Rural Women Coalition (PKKK)
Partido Manggagawa – Women
Sarilaya
Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa – Sentro – Women
WomanHealth Philippines
Women’s Legal and Human Rights Bureau – WLB
Youth and Students Advancing Gender Equality – YSAGE
World March of Women – Pilipinas

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.