[Right-Up] Beking Pari Ba ‘Ikamo? -ni Norman Novio

Beking Pari Ba ‘Ikamo?

Hindi naman talaga maitatatwa na mayroong mga beking pari sa Simbahang Katolika pero ano kayang pampatulog ang tinira ng pangulo na tila sa panaginip lang niya kinuha ang kanyang mga numero. Sa kanyang talumpati sa Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO) na ginanap sa Rizal Hall sa Malacañan noong Miyerkules, Disyembre 5, 2018, sinabi niya na 90% ng mga pari sa Pilipinas ay bakla.

Pustahan tayo, ikaw na nagbabasa ng ng sulating ito ngayon ay may kilalang baklang pari, ‘di ba? Ilan sila, dalawa, tatlo, sampu o higit pa? Hayag man o hindi sila ay mga gay o homosexual.

Totoo na sinabi ni Pope Francis na, “Ang mga baklang pari ay dapat maging celibate at kung hindi ay umalis na sila sa pagka-pari”. Ang marami ay ipinapalagay itong pagsasabi ng, “Kung bakla ka huwag kang mag-pari o hindi ka dapat na pari.” Sa ganitong konteksto at sa nagdudumilat na katotohanan na marami talagang baklang pari sa Pilipinas (o sa buong mundo), madaling pagbintangan na ipokrito nga ang Simbahang Katolika. Ngunit kung ganito ang interpretasyon natin sa sinabi ni Pope Francis, mag-iiba na ang ating paninigin dito: “Ang mga baklang pari na hindi kayang mabuhay sa celibate life ay hindi maaring mag-pari.” Malinaw na ang diin ni Pope Francis ay sa celibacy at hindi sa sexual orientation ng isang pari o ng kandidato sa pagiging pari.

Bakla ka man o hindi, maliwanag lang na sa panahong ito ngayon, kung talagang gusto mong maging pari at magpatuloy sa pagiging pari ay dapat na namumuhay ka bilang isang celibate. Walang ka-kulakadidang at hindi nangha-hada ng sakristan. At siyempre pa, kung beki ka man, hindi ka dapat naka-lipstick, o naka-stiletto at naka make-up habang ginagampanan mo ang iyong administrative, pastoral at ministerial duties. Lalong hindi papayagan ng Simbahan na ang mga pari imbes na mag-suot ng sutana ay magsuot ng abito kagaya ng sa mga madre. Hindi pa pwede ang cross-dressing (no pun intended) na ganito. Hindi pa ito tanggap ng Simbahan. Hindi pa ngayon. Kaya meanwhile, habang habang hindi pa tegi ang mga matatanda at konserbatibong kardinal sa Roma and elsewhere, closet queen muna ang mga paring may “pinakatatagong lihim” (parang CST lang ang peg ‘no?).

Read full article @nanovio.blogspot.com

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.