[Statement] GSIS at DEPED ang may pagkukulang, bakit guro ang parurusahan? -TDC

GSIS at DEPED ang may pagkukulang, bakit guro ang parurusahan?

Hanggang sa bukas, Oktubre 31 na lamang ang ibinigay na deadline ng GSIS para i-settle ang ‘due and demandable’ charges sa utang ng mga guro. Pinalawig na panahon na ito upang maghanap ang mga guro ng perang ibabayad sa mga sinasabing charges at interes. Pero ang totoo hindi solusyon ang extension, sapagkat hindi natin dapat kilalanin na pananagutan ito ng mga kasapi habang walang pagsusuri at malalimang imbestigasyon.

Hindi kasalanan ng mga guro at kasapi ang paglobo ng utang sapagakat mayroong sistema na dapat ipatupad pangunahin na ang automatic payroll deduction system (APDS) kung saan dapat ay kusa, regular at awtomatikong kinakaltas ng DepEd ang monthly amortization mula sa buwanang sahod ng mga guro.

Patunay na may pagpapabaya ang dalawang ahensiya- DepEd at GSIS ay ang mga pagkakataong mismong may mga sulat o request for deductions nang naisumite ang mga guro ay hindi pa rin kinakaltasan ang ating suweldo para ipambayad sa utang sa GSIS, kahit paulit-ulit pa itong gawin ni teacher

Kahit pa nga ang mga guro na may sapat na sahod para ipambayad sa amortization o yaong hindi pa sagad sa net take home pay ang natitira sa kanyang sahod ay hindi pa rin ito nakakaltasan ng mga dapat sana’y hulog sa GSIS loan.

Samantalang, maanomalya rin ang usaping ito dahil laging nauuna pang makapagkaltas ang mga private lending institutions (PLIs) kaysa sa GSIS kahit pa nga naunang nangutang sa GSIS ang mga guro. Isa itong malinaw na paglabag kundiman kontrobersiya.

Kaya inuulit natin na ang extension, bagamat may kagyat na relief lalo na at makakabawas sa isipin ng ating mga guro ay hindi solusyon, bagkus ay maaari pa ngang paraan ng pag-pressure sa mga guro upang bayaran ang mga interes ng utang na hindi naman niya kasalanan.

Iminungkahi rin natin na kung sakaling mag-apply ng loan restructuring ang guro ay huwag na siyang pagbayarin ng difference ng maximum loanable amount at amount due at idagdag na lamang ito sa total restructured loan amount upang hindi na maghagilap pa ng pera ang guro na malamang ay ipangutang na rin niya.

Kaya imbes na magturuan kung sino ang may kasalanan at isisi sa mga guro at kasapi ang kanilang pagkukulang, narito ang ating mga suhestiyon sa pamunuan ng DepEd at GSIS:

Suriing isa-isa ang lahat ng utang ng bawat isang guro at at alamin kung ano ang dahilan kung bakit hindi sila nakakabayad o hindi nakakaltasan ang kanilang mga utang at kung matuklasan na hindi ito kasalanan ng guro, hindi dapat patawan ng anumang interes o penalties ang kanyang utang.

Dapat i-refund ng GSIS ang halagang siningil sa mga gurong napilitang magbayad ng due and demandable charges dahil sa deadline ng GSIS noong Setyembre 28 at extension nito hanggang Oktubre 31 kung mapatutunayan na ang mga ito ay hindi ayon sa pagkukulang ng mga guro.

Kung matutukoy sa pagsusuri o malalimang imbestigasyon ng GSIS at DepEd kung sino o anong tanggapan ang may pagkakamali o pagkukulang, ang tao o tanggapang ito ang dapat na panagutin.

Repasuhin ang kautusan ng DepEd hinggil sa APDS partikular ang order of preference sa paninigil sa loans ng mga guro mula sa GSIS at iba pang private lending institutions.

Ang mga ito ang solusyon sa mga problema sa pagkakabaon sa utang at ang DepEd at GSIS ang dapat na manguna sa pagresolba nito. Huwag nang magturuan kung sino ang may kasalanan sapagkat malinaw na ang mga guro ang biktima dito at siyang nagdurusa sa kasalanan ng iba.

Pagbibigay ng ayuda at serbisyo ang dahilan kung bakit may GSIS, hindi kailanman magiging makatarungan kung konsumisyon at perhuwisyo ang idudulot nito sa mga kasapi na siyang nagbibigay ng konrtibusyon para manatiling buhay ito.

Sa pagkukulang ng GSIS at DepEd, hindi guro ang dapat parusahan.

Reference:
Benjo Basas, National Chair
09273356375

TEACHERS’ DIGNITY COALITION (TDC)
Mobile: 0916-6126739/ 0927-3356375
Email Ad. teachersdignity@yahoo.com.ph
https://www.facebook.com/teachers.dignity/
4443 BCL Homes, Independence St., Gen.T. De Leon, Valenzuela City

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s