[Press Release] TDC suportado ang Brigada Eskwela, ngunit may paalala sa obligasyon ng Gobyerno

TDC suportado ang Brigada Eskwela,
ngunit may paalala sa obligasyon ng Gobyerno

Nanawagan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa lahat ng mga kasapi nito sa buong bansa na suportahan ang Brigada Eskwela na pangungunahan ng Department of Education (DepEd) mula ngayong araw, Mayo 28 hanggang Hunyo 2, 2018.

“Naniniwala kami na malaki ang tulong ng komunidad sa pagpapanatili ng kaayusan ng ating mga paaralan at iyan ang layunin ng Brigada Eskuwela. Hindi naman kasi ang mga guro o gobyerno lamang ang may obligasyon sa paaralan, bawat isang tao ay may pananagutan din dito.” Ani Benjo Basas, national chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC).

Ang Brigada Eskwela ay taunang gawain kung saan ang lahat ng tao sa komunidad at pribadong sektor ay sama-samang nagtutulungan sa paghahanda ng mga paaralan para sa paagbubukas ng klase sa pamamagitan ng pagbabayanihan.

Gayunman, nagpaalala rin ang TDC na ang pagsasaayos sa mga paaralan ay pangunahing obligasyon pa rin ng pamahalaan at ang boluntaryong pagtulong ng pribadong sektor ay hindi dapat na maging dahilan upang bawasan ang pondo o hindi na maglaan ng budget para sa maintenance at operasyon ng mga paaralan. Noong nakaraang taon, ayon sa tala ng DepEd ay umabot sa halos 5.4 bilyong piso ang naiambag ng Brigada Eskwela sa mga paaralan sa buong bansa mula sa mga materyales, donasyon at volunteer labor.

“Bagamat aming kinikilala ang Brigada Eskwela sapagkat ito ay nagpapatunay sa diwa ng Bayanihan ng ating mga kababayan, nais din naming ipaalala na ang pambili ng mga pintura, pako, yero, bintana, floor wax, walis, bumbilya, lamesa at upuan sa mga paaralan at ang gastusin para sa pagkumpini dito ay obligasyon at dapat lamang na ilaan ng ating pamahalaan.” Paliwanag ni Basas.

Hiningi rin ni Basas sa Pamahalaang Duterte na agarang bigyan ng solusyon ang mga problema sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking budget para sa mga pangangilangan ng mga paaralan at dagdag na sahod ng mga guro.

“Nananawagan kami sa ating mahal na pangulo at kalihim ng kagawaran na sana naman ay tugunan ang mga pangangailangan sa ating mga paaralan- mga libro, pasilidad, mga banyo, upuan at classrooms para sa ating mga batang mag-aaral. Dahil kung hindi maayos ang kalagayan ng mga bata sa paaralan ay hindi rin sila matuturuan nang mabuti, kahit gaano pa kahusay at ka-dedikado ang ating mga guro.” Dagdag pa ni Basas.

Idiniin rin ni Basas ang mga pangangilangan ng mga guro pangunahin na ang pagpapatupad ng Magna Carta for Teachers na naggagarantiya sa kanilang karapatan at mga benepisyo at ang pagbibgay sa kanila ng sampung libong umento sa suweldo na isa sa mga pangako ni Pangulong Duterte.

“Magpapasukan na naman at muli ay mapapansin na naman ang kahalagahan ng mga guro sa ating lipunan, kaya ang hamon naming sa ating gobyerno ay tumbasan naman ang kahalagahan ng mga guro sa pamamagitan ng pagbibgay ng sapat na sahod at pagpapatupad sa mga batas na nangangalaga sa amin.” Pagtatapos ni Basas.

Nakatakdang magsagawa ng kilos-protesta ang TDC sa darating na Linggo, HUnyo 3, isang araw bago magbukas muli ang klase. #

Reference: Benjo Basas, National Chairperson, 0927-3356375/ 0999-9744612
TEACHERS’ DIGNITY COALITION (TDC)
Tel: (02) 444-6564 Mobile: 0916-6126739
Email Ad. teachersdignity@yahoo.com.ph
4012 A, Door F, Gen. T. De Leon Rd. cor.Diam St., Gen.T. De Leon, Valenzuela City

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s