[Right-up] Sa mga manggagawa ng minahan -ni Greg Bituin Jr.

Photo from Gorio Bituin FB

Sa mga manggagawa ng minahan
ni Greg Bituin Jr.

marami na kayong nagtatrabahong manggagawa
minimina ang bundok, ginagalugad ang lupa
upang matagpuan ang mineral na pinagpala
kahit ang kalupaa’y patuloy na lumuluha

pikitmata sa nangyayari dahil sa trabaho
walang pakialam sa kinabukasan ng tao
gumuho man ang bundok, para sa kapitalismo
mabutas man ang lupa, para sa tubo at sweldo

bakit kayo’y manggagawang tila walang magawa
upang kalikasan ay di na tuluyang masira
kasi pag walang trabaho, pamilya nyo’y kawawa
mina ng mina, kalikasan ma’y mapariwara

mga manggagawa kayong dapat organisahin
alang-alang sa pamilya at kalikasan natin
at para sa kinabukasan ng lahing magiting
makiisa na kayo sa pakikibaka namin

lupa’t tao’y wasak dahil sa asam nilang tubo
kalikasa’y labis-labis na ang damang siphayo
huwag nang sirain ang bundok at lupang ninuno
pagmina’y itigil sa panig na ito ng mundo

magkaisa lahat ng manggagawa sa minahan
pamilya’t kalikasa’y sabay nating alagaan
halina’t itindig ang makakalikasang bayan
at sabay na itayo ang makataong lipunan

– gregbituinjr.

Follow Greg Bituin @
Blogsite: http://matangapoy.blogspot.com/
Facebook: https://web.facebook.com/goriobituin

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s