[Right-UP] Mura lang ang magmura ngayon ni Mokong Perspektib

Mura lang ang magmura ngayon

RANT copy
Niyayanig ang Mokong Republic ng paparating na pagbabago.

Mga pagbabagong mahigit sa 16 milyon ang excited na sabay-sabay na pumapalakpak at nag-i-intensity 7 na lumilindol sa lahat. Libu-libong kriminal ang lumiliit na daw ang mundo ngunit ang hindi natin sigurado kung nati-threatened nga man lang ba sila? O baka lumalawak lang ang membership nila?

Sa kabilang banda ay ang mga nanganganib na inosenteng madamay, mapagbintangan, maidiin o maabuso ang matindi ay mapatay pa.

Nakakatuwa at united ang mga taong inis-na-inis, sawang-sawa at yamot-na-yamot na sa kriminalidad. Talaga namang nakaka-boiling point ng dugo ang talamak na pagtambay ng mga kriminal sa bawat sulok ng Mokong republic.

Mga hindi naman MED REP pero ang husay sa pag-benta ng illegal drugs. Nag-networking pa. Mga hindi naman sakit pero kanser na lumalala at lumalaganap. Gayundin ang iba pang karumaldumal na krimen na kung naging pera ay mababayaran na natin ang panglabas na utang ng bansa sa sobrang dami.

Sa kabilang banda ay nakakapag-alala ang padaskol-daskol na emosyonal na reaksiyon mula sa mga buwiset na buwiset sa kriminalidad.  Sa sobrang tindi ay nilalabag na rin ng mga ito ang batas. Sa sobrang pagkadismaya ay nagmamala-ok na malabag ang iba para sa ika-tatagumpay ng laban sa krimen, by hook or by crook.

Ang sabi ko nga sa isang Mokang na komentaristang nega sa isa sa mga posts tungkol sa mga nangyayari, “Huwag puro emosyon ang gamitin, isip-isip muna bago comment, kasi baka you’re barking at the wrong tree.” Kaya dapat din hindi emosyon ang pairalin natin upang maunawaan ang mga katulad nila.

Sa mokong na analisa ko- ang lohika nila- Sa pagsugpo ng karumaldumal na krimen ay hindi dapat lilembot-lembot. Ang pagkadismaya dito ay masahol pa sa pagmumura. At kung sino man ang magpapatumpik-tumpik dito ay kamura-mura din. Karumal-dumal ang krimen- tapos dise-disente ka sa pagharap dito samantalang hindi nga kumikilala ng batas ang mga kriminal tapos mag-ru-rule of law-rule of law ka?

Sa isip nilang nagsisintir…Ka-ka-rule of law- rule of law mo at ka-ka-human rights-human rights mo ay nawiwili ang mga kriminal at wala nang takot maparusahan.

Ano nga kaya ang pinaghuhugutan ng lakas ng loob ng mga negang ito…

Ang pagmumura

Statement o pagpapakita ng galit to the MAX. Para sa mga mokong nararapat na approach o tugon sa mga sarado ang isip o ayaw sa kamay na bakal na pagsugpo sa kriminal. Pero kung tutuusin at susuriin ay PAGMUMURA din ang ginagamit kapag ang mga mokong ay nagsara na rin sa katwiran ng iba o ayaw na making pa sa argument ng iba at gayundin kapag nasandal na sa diskusyon at wala nang maisagot pa.

Ang ugat ng paglala ng kriminalidad para sa kanila ay ang pagiging mahina ng mga batas na susugpo rito. Mapapamura kang talaga.

Isinisisi nila sa human rights concept at sa mga nagsusulong nito ang paglala ng kriminalidad.

Kaya kung susuriin ang objectives ng mga nagMUMURA sa online ay simple lang… ipadama sa lahat ang to the max na galit o rant sa krimen.  Alam na nila na ang human rights advocates ay tututol sa mga di makataong aksyon kahit sa kriminal pa.

Sa kanilang isip, lelembot-lembot ang mga human rights advocates. Masyadong babait-bait sa kriminal habang walang hustisyang nakukuha ang mga biktima. Kaya sarado na sila sa diskusyon. Alam na nilang mag-lalabas nanaman ng batayan ang mga advocates na bumabatay sa mga konsepto at standards na para sa kanila ay mahirap maunawaan, lutang at hindi nakakatulong sa pagsugpo ng krimen. ‘Yan ang para sa kanila.

Hinalimbawa pa nila ang karumaldumal na krimeng DROGA. Nahuli nga ang mga druglords at naikulong pero nananatiling nag-ooperate at nakakalusot pa rin.  At habang dumadami ang droga at mga adik, dadami ang mga nagnanakaw, nanggagahasa, nangmamasaker at pumapatay nang walang awa. Dapat kung namatay na ang mga ito nung umpisa pa lang e di hindi na sana nakapag-operate pa ang mga druglords na ito.

Kaya hindi na usapin ng values ang pagmumura. Dahil sa tingin nila siyempre hindi ka maisasalba ng values-values. Ayaw mong magmura? E kaya you deserved to be cursed too. Ang anumang mamumutawi o ilalabas ng sinumang advocates na argumento o katwiran ay sasagka lamang. At para sa kanila, matagal nang sagka sa hustisya ang ka-ka-human rights-human rights ng mga accused at yaong mga deprived of liberty samantalang buhay ang kinuha ng mga kriminal na ito sa mga nabiktima- nasaan ang hustisya? Na para sa kanila ay makakamit nila sa kamatayan din ng mga ugat ng krimeng ito. Ika nga daw “an eye for an eye…”

Totoong nakakakulo ng dugo ang paglaganap ng krimen. Pero ang rule of law nga ba at human rights ang ugat ng paglaganap ng krimen?

Ang pagpatay nga ba ang tunay na susulosyon sa kriminalidad?

Abangan ang karugtong…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s