[Campaign] KARAPATANG PANTAO Dapat sa 2016 Election -TFDP/Y4R

KARAPATANG PANTAO Dapat sa 2016 Election

11 X 17 LOGO copy

-Campaign for the HR Agenda on 2016 Election

Ang December 10, 2015 ang huling HR Day sa termino ni Pnoy bago ang paparating na eleksiyon 2016 sa Mayo. Pagkakataon ito upang tasahin ang kaniyang performance sa HR at ilunsad ng HR community ang kampanya para sa HR Agenda for 2016 Election.

Habang hindi naging prayoridad sa termino ni PNoy ang karapatang pantao, nagbabanta naman ang pagwawalang bahala at paglabag sa karapatang pantao ng sinumang papalit na mga pinuno ng bansa.

TFDP logo small

Nagpapatuloy ang paglabag sa karapatang pantao.

Ang kahinaan ng tuwid na daan ni PNoy ay ang kawalan nito ng paninindigan sa maraming usapin ng karapatang pantao. Nangibabaw ang pagpapahalaga sa kita ng iilan at pag-unlad na agresibong sumagasa sa karapatan ng maraming sektor sa bansa.

Binabaha’t binabagyo na ng sakuna ng kalikasan, binabaha’t binabagyo pa ng paglabag sa karapatang pantao ang mga mamamayang mahirap sa bansa.

Marami sa mga kapatid na katutubo at lumad ang pinatay, inagawan at pinalalayas sa kanilang lupaing ninuno. Habang humaharap pa ang mundo sa delubyo’t sakunang dulot ng papalalang pagpapalit ng klima, patuloy na winawasak ang kalikasan at hinuhuthot ang likas na yaman ng bansa ng mga malalaking abusadong kumpaniya, binibiktima pa ang kanayunan ng militarisasyon, pandarahas at gera.

Patuloy ang mga demolisyon sa ngalan ng pangangapital. Nanalanta rin ang kontraktualisasyon sa manggagawa habang patuloy ang atake sa karapatang mag-unyon at mag-organisa. Hindi naaksiyunan ang isyu ng mga magsasaka at mga kinukurap at pinagsasamantalahan pa ang pambansang kaban sa halip na matugunan ang mga pangangailangan.

Habang ang mga nagtatanggol naman ay pinapatay, kinakasuhan, hinuhuli at ikinukulong. Sunod-sunod ang libelo sa mga Human Rights Defenders. Marami ang may banta sa kanilang seguridad. Sa halip na proteksiyon ay pagsasawalang aksiyon pa sa mga kasong katulad ng tortyur, enforced disappearance, extra judicial killings atbp.

Nahirapan ding maipasa ang mga batas para sa mamamayan halimbawa ay ang Freedom of Information Bill, ang pagrepeal ng Mining Act of 1995 at pagreporma sa industriyang nananalanta sa buhay at kalikasan atbp.
Inuna kasi ang kita kaysa kapakanan at karapatan. Sinagasaan ang karapatan ng mamayan sa tuwid na daan.

Patuloy ang pagsagasa sa HR

Sa maagang yugto pa lamang ay masisilip na natin kung anong uri ng pamumuno mayroon ang mga susunod na mahahalal.

Kung si Roxas ay ipagpapatuloy lamang ang tuwid na daang nasubok na, may Binay namang pro mining din at puno ng isyu ng kurapsiyon at kapit tuko sa kapangyarihan ang dinastiya.

Malaking kapahamakan din ang dala ng pamumunong Duterteng nagwawasiwas ng kamay na bakal at isang Grace Poe na tahimik din sa isyung katulad ng mina atbp.

Sampal din sa atin ang pamamayagpag ni Bong-bong Marcos sa hanay ng kabataan, ang lantarang pagtatanggi at pagsisinungaling sa nagawang kasalanan sa kasaysayan.

Mula dito ay ilulunsad natin ang kampaniyang edukasyon, popularisasyong akma at napapanahon… sa layuning…

1. Educate the youth about the HR Agenda
2. Empower the youth about their rights to a clean election
3. Campaign against Human Rights Violators and their violations (Marcos, Duterte, Binay etc.)
4. Generate commitments from candidates to the HR Agenda
5. Get media attention
6. Generate network support to the campaign
7. Popularize the HR Agenda

LUMAHOK SA PAGLULUNSAD NG KAMPANIYA SA PAMAMAGITAN NG ONLINE (Copy ang post to your social media accounts the brief statement below)

Bilang selebrasyon sa December 10, 2015 ‪#‎HumanRights‬ Day, ang huling HR Day sa termino ni Pnoy bago ang paparating na eleksiyon 2016 sa Mayo, panahon ito upang tasahin ang kaniyang performance sa HR at ilunsad ng HR community ang kampanya para sa HR Agenda for 2016 Election.

Habang hindi naging prayoridad sa termino ni PNoy ang karapatang pantao, nagbabanta naman ang pagwawalang bahala at paglabag sa karapatang pantao ng sinumang papalit na mga pinuno ng bansa.

Bilang ambag sa paggigiit ng karapatang pantao na dapat ay adyenda ng mga tumatakbo sa Election 2016, inilulunsad natin ang kampaniyang “‪#‎KarapatangPantaoDapat‬! Sa 2016 Election.”

Bilang bahagi ng launch, hinihiling natin ang aktibong partisipasyon ng lahat. Lumahok sa online sa pamamagitan ng:
1. Iprint sa long bondpaper ang fansign na “#KarapatangPantaoDapat! Sa 2016 Election.”
2. Mag-Selfie hawak ang fansign, ipost sa social media account (FB, twitter atbp). Gamitin ang hashtag na #KarapatangPantaoDapat!
3. Imbitahan ang mga friends na lumahok din.
4. Maari ring gumawa ng sariling fansign na naglalaman ng mga isyu ng sector na kanilang dinadala at gamitin ang hashtag na #KarapatangPantaoDapat!

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s