[Statement] Atrasado at barat na umento ang handog ng Gobyernong Aquino -TDC

Atrasado at barat na umento ang handog ng Gobyernong Aquino
(Nagkakaisang pahayag ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) at ATING GURO Partylist)
Nobyembre 10, 2015

Nagpapasalamat tayo at binasag na ng Malakanyang kahapon ang pananahimik nito sa usapin ng umento
sa suweldo sa mga guro at kawani sa taong 2016. Subalit, dismayado naman tayo sa panukalang nais
nilang ipasa ng Kongreso.

TDC

Sa House Bill 6268 o SSL 2015, tila limos at hindi umento ang ibibigay ng pamahalaang Aquino sa
mga guro kawani. Ito ang kanyang pamaskong handog, ang kanyang iiwanang alaala bago siya tuluyang
magpaalam sa gobyerno sa susunod na taon.

BARAT at kuripot ang pamahalaan na nkatakdang magbigay lamang ng kabuuang umentong P2, 205 sa
entry-level position nating mga guro, ang salary grade 11. Ang malupit, hahatiin pa ito sa apat
na hulog. Sa suma total, lampas P500 lamang ang nakatakdang umento kada taon mula 2016 hanggang
2019.

ATRASADO na tila baga pinasasabik pa tayo sa umentong kanilang ibibigiay at pinaghintay muna tayo
ng halos anim na taon. Oo, halos anim na taon. Sapagkat mula nang maupo sa puwesto ang
pamahalaang Aquino ay hindi ito nagsulong ng pagsasabatas ng umento sa suweldo ng mga guro at
kawani. Ang mga adjustments noong 2011 at 2012 ay iniuutos ng SSL-3, batas na minana pa ni Aquino
sa lagi niyang sinisising pamahalaang Arroyo.

Umento sa panahon ni Pangulong Arroyo

Ayaw man nating ikumpara, hindi natin maiiwasang maalala ang panahon ni Gloria. Sa SSL-3 noong
2009, lubhang sumama ang loob natin sapagkat napakaliit ng umento sa ating mga nasa mababang
bracket sa salary scale. Halimbawa ang laborer (SG-1) at clerk (SG-3) ay dinagdagan lamang ng 30%
sa kanilang sahod. Samantala tayong mga guro at nurses (SG-11) ay 54% lamang ang umento at sa
principals (SG-19) ay 66% lamang.

Kung ikukumpara natin ito sa mga matataas na posisyon ay lampasong-lampaso tayo. Halimabawa sa
mga schools division superintendents (SG-26) ay 116% ang umento, sa regional directors (SG-28) ay
nasa 134% at sa assistant secretaries naman (SG-29) ay nasa 138%. Samantala ang sahod ng Pangulo
(SG-33) ay umabot sa 72% ang dagdag. Ganito trinato ng Arroyo administration ang mga guro at
kawani. Lubhang ibinaba ang mga dati nang mabababa at itinaas ang mga dati nang nasa taas. At ang
masaklap pa nito, ito’y matapos pa ang halos anim na taong wage-freeze mula July 2001 hanggang
July 2007.

Ang tugon ni Pangulong Aquino

Nabigyan ng pagkakataon ang Aquino administration na iayos ang salary scheme ng government
employees at bigyan ng mas mataas na pagkilala ang mabababang empleyado sa pamamagitan ng mas
mataas ding komepnsasyon. Pero ang nangyari ay lalo nila itong ginulo at lalo pang binusabos ang
dati nang maliliit. Sa nasabing panukalang SSL 2015 ang laborer (SG-1) ay magkakaroon lamang ng
23% na umento at 20% naman sa clerk (SG-3). Samantala tayong mga guro at nurses (SG-11) ay
napakaliit na 12% lamang ang umento at sa ating mga principals (SG-19) ay magkakaroon lamang ng
34% na dagdag.

Kung ikukumpara natin ito sa mga matataas na posisyon ay lampasong-lampaso pa rin tayo sa plano
ng DBM at ng Pangulo. Halimbawa sa mga schools division superintendents (SG-26) ay 85% ang
nakatakdang umento, sa regional directors (SG-28) ay nasa 103% at sa assistant secretaries (SG-
29) ay 112%. Samantala ang sahod ng Pangulo (SG-33) ay aabot sa 223%. Ganito rin trinato ng
Aquino administration ang mga guro at kawani. Lubhang ibinaba ang mga dati nang mabababa at
itinaas ang mga dati nang nasa taas. At ang masaklap pa nito, ito’y mangyayari pa sa pagtatapos
ng kanyang termino.

Aquino at Arroyo, walang piang-inaba!

Sa suma total, walang pinagkaiba ang dalawang pangulo kung pag-uusapan ang pagtrato sa ating mga
guro. Atrasado, mabagal at paghihintayin tayo nang napakatagal para sa kakarampot na umentong
kanilang ibibigay. Samantala, kung ikaw ay nasa mataas na posisyon, aba’y bongga ang iyong umento
at hihigit pa sa isandaang porsiyento.

P10, 000 Umento ang Dapat!

Ang inilalaban nating umento sa sahod ay lampas sa nominal increase, bagkus ito ay nasa prinsipyo
ng salary upgrading. Sapagkat simula noong SSL-1 ng 1989 ay malaking pagkakamali na ang
paglalagay sa ating posisyon sa pinakamababang propesyunal sa gobyerno. Ayon nga sa rekomendasyon
ng Kongreso noong 1991, dapat na itaas sa salary grade 17 ang ating posisyon. At noon namang
2008, sa panukalang SB 2408 ng Senado, muli silang nagkaisa na dapat bigyan ng karagdagang
kompensasyon ang mga guro at kawani ng DepEd upang maitama ang napakatagal nang pagkakamali at
makabayad sa malaon nang pagkakautang ang gobyerno sa ating mga guro.

Ito ang batayan ng ating P10, 000 umento na ipinaglalaban. Ang P10, 000 na lampas dapat sa
iginagawad ng SSL-3 at maging ng SSL 2015. Anumang pagbabago o umento sa sahod ay dapat tayong
pagkalooban ng karagdagang kompensasyon sa halagang P10, 000.

Kalampagin ang gobyerno!

Sa huling mga buwan ng Aquino administration ay kailangan nating ipahayag ang ating pagkadismaya.
Singilin sila sa kanilang pangako ng magandang buhay, matapat na pamamahala at matuwid na daan.
Sapagkat ang mga ito ay nananatiling pangako lamang hanggang ngayon. Ang umento na ibibigay sa
taon ng halalan ay maaaring may pulitikal na motibo at layuning pasikatin ang mga manok ng
Malakanyang. Subalit hindi na tayo maniniwala sa mga pangako. Huwag nating ihalal ang mga naging
kasangkapan ng administrasyong Aquino sa patuloy na pagpapababa sa kalagayan ng mga guro at
kawani sa loob ng anim na taon nilang panunungkulan. #

Reference:
Benjo Basas, 0927-3356375/ 09205740241
TDC National Chairperson/ Ating Guro Partylist First Nominee

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s