[Press Release] Umento sa sahod, igigiit ng mga guro sa huling taon ni P-noy -TDC

Umento sa sahod, igigiit ng mga guro sa huling taon ni P-noy

Muling hiningi ng mga guro ang katiyakan sa pamahalaan na sila ay mabigyan ng umento sa sahod sa susunod na taon. Ayon kay Benjo Basas, pambansang tagapangulo ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) at isang guro sa Caloocan, matagal na umanong naghihintay ng aksiyon mula sa Pamahalaang Aquino ang mga panukalang umento sa sahod ng mga guro na nakabinbin pa rin sa Kongreso.

TDC

“Nakalulungkot sapagkat taong 2010 pa naupo sa puwesto si Pnagulong Aquino at walang siyang naging aksiyon sa maraming panukala sa Kongreso. Ni hindi man lamang binanggit ng pangulo sa kanyang huling SONA ang ukol sa kahilingan naming umento.” Pahayag ni Basas.

Gayunman, ayon pa rin kay Basas, umaasa sila na sa susunod na taon ay matutupad ang inaasahang umento sa sahod ng mga guro alinsunod na rin sa mga nauna nang pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan partikular ang Department of Budget na diumano ay naglaan ng pondo para sa umento sa 2016.

“Mula nang maupo  si  P-Noy sa Malakanyang ay walang inisyatiba ang kanyang pamahalaan upang dagdagan ang sahod ng mga guro at kawani. At kung ipagmamalaki nila ang kakarampot na umento noong 2011 at 2012, iyon ay pagtalima lamang naman sa tadhana ng Salary Standardization Law-3 na nagkaroon ng bisa noon pang 2009 sa panahon ng Arroyo administration.” Dagdag pa ni Basas.

Ang SSL-3 na naisabatas noong 2009 ay nagbigay ng umento sa mga guro at kawani na hinati sa apat na taon at natapos noong 2012. Sa kasalukuyan ay nakabinbin pa rin sa Senado ang panukalang “Additional Support and Compensation for Teachers in Basic Education” na mayroon nang apat na bersiyon. Kung maipapasa ito, mabibigyan ng karagdagang P10, 000 ang sahod ng mga guro at kawani ng DepEd at ilan pang benepisyo.

“Dahilan sa malaking pangangailangan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, patuloy na bumababa ang halaga n gaming suweldo. Marami sa amin ay nababaon sa utang, samantala patuloy namang bumibigat an gaming mga trabaho.” Himutok pa ni Basas. “Nasa huling taon na ang administrasyong Aquino at siguro naman ay hindi na tamang isisi pa niya sa nakaraang administrasyon ang patuloy na pagbagsak ng kabuhayan ng ating mga guro.

Marapat na bigyan na niya ng aksiyon ang kahilingan ng mga guro para sa dagdag na sa suweldo.” Pagtatapos niya.

Inaasahang magsasagawa ang TDC at iba pang grupo ng mga guro ng kilos-protesta sa mga darating na araw upang igiit ang pagsasabatas ng umento sa kanilang suweldo.

Para sa mga detalye:
Benjo Basas, Pambansang Tagapangulo, 0920-5740241

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s