[Statement] Ang desisyon ng Korte Suprema ay simula -KILUS MAGNINIYOG (KM) 71

Ang desisyon ng Korte Suprema ay simula

Positibo ang aming pagtanggap sa paglabas ng Supreme Court ng partial entry of judgment sa coco levy case, kung saan dati nang pinal ang desisyon ng korte noong 2012 na pag-aari ng gubyerno ang bahagi ng San Miguel Corp. shares, at nakalaan ito para sa benepisyo ng magniniyog at ng aming industriya.

kilus magninyog

Matagal kaming naghintay para maging abot-kamay ang nararapat sa amin—higit pa sa haba ng aming 1750-kilometrong paglalakad na nagsimula noong Setyembre 21, sa anibersaryo ng Martial Law ngayong taon.

Pero taos-puso kaming nagpapasalamat na naitaguyod pa rin ang hustisya sa pakikipag-ugnay sa mga institusyon ng pamahalaan at sa mapayapang pamamaraan.

Nagpapasalamat kami kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa kanyang naging sinsero at mainit na pagtanggap sa aming mga naging tagapagsalita sa Malacanang noong ika 26 ng Nobyembre.  Subali’t higit pa dito, ngayon ay inaabangan na namin ang pagtupad ng kanyang pangakong Executive Order para maitatag ang Coconut Farmers Trust Fund mula sa pondo, ngayong umaksyon na ang Korte Suprema.   Umaasa kami na kanyang i-certify as urgent ang aming Coconut Farmers’ Trust Fund Initiative Bill na inihain namin sa Kongreso at sa Senado

Magiging aktibo kami sa mga usapan sa Kongreso, Senado at sa patawag na pulong ni Sec. Kiko Pangilinan ng OPAFSAM upang maseguro hindi lang ang perpetual character ng trust fund na aming itinutulak kundi ang matibay na representasyon ng ating mga maliliit na magniniyog sa  anumang Komite o mekanismo na mabubuo na magdedesisyon kung paano gagamitin ang pondong ito.

Bahagi rin sa mga susunod na hakbang ng aming grupo ang aktibong pangangampanya upang mabilis na itong maipasa sa Kongreso at Senado at tuluyan na itong maging batas, sa tulong ng ating mahal na Pangulo.

Kasunod nito, inaasahan namin ang maayos at tapat na paggamit ng pondo para sa kapakanan ng lahat ng magniniyog.

Napapanahon ang mga positibong kaganapan sa pagdiriwang ng Human Rights Week ngayong linggo. Pagpapatunay ang isyu ng coco levy na kahit sukdulan ang katiwalian at pang-aabuso ng isang diktadura, dapat magpursigi na maituwid ang mali at mapanagot ang may-sala sa kasaysayan ng ating bansa, at makamit ang hustisya.

Naniniwala kami na lubusang maipapanalo ang bawat laban para sa katarungan, kabilang na ang laban ng mga magniniyog, sa tulong ng pakikiisa at pagmamatyag ng mga ordinaryong mamamayan.

Ang laban ng magniniyog ay laban para sa karapatang pantao ng bawat Pilipino, at magkasama tayong lahat sa pagpapatuloy nito.

Sana ay magsilbing paalaa ang karanasan ng KM71 na hindi dapat kailangang mag-lakad ng malayong distansya at mag-antay ng mahabang panahon para sa hustisya. Hindi lang pribilehiyo ng iilan ang katarungan—karapatan natin itong lahat.

PRESS STATEMENT OF KILUS MAGNINIYOG (KM) 71
December 12, 2014

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s