Pagpupugay at Pagsaludo sa mga Totoong Artista at Alagad ng Sining ng Bayan
Ang munting sanaysay na ito ay aking pagbibigay pugay at pagsaludo sa mga makataong artista ng bayan na sa aking paningin ay mga totoong alagad ng sining.
Batid na nang karamihan ang nangyaring kabalintunaan at kagaguhan sa Kidapawan.
Saan ka nakakita ng bansa na nagdedemonstrasyon ang mga magsasaka na ilang buwan nang gutom at tunay na hikahos gawa ng pagtuyot na dulot ng EL Nino, upang humingi ng tulong, ayuda at bigas sa pamahalaan, ngunit sa halip na sila ay tulungan ay karahasan at kalupitan ang kanilang natanggap?
Onli in the Pelipins!
Sila ay nanghihingi ng bigas, ngunit bala ang kanilang natamo!
Hindi na sila nakakuha ng bigas, sila pa’y dinahas at ngayon, bukod sa kagutuman ay marami sa kanila ang kinasuhan ng putang-inang pamahalaan ng iba’t-iba at samu-saring mga kaso.
Tingnan po ninyo ang kababuyan at inhustisya ng gagong estado na ito.
Kamakailan ay pinayagan nila si satanistang napoles (siya ang prinsipal na utak sa likod ng PDAF Scam) na magpiyansa, pero ang mga patay-gutom at hikahos na mga magsasaka at Lumad (na bigas at ayuda lamang ang hinihingi) ng Kidapawan ay hinahabol nila ng mga patong-patong na mga kaso’t asulto!
Delubyo, indulto at pahirap ang punyetang pamahalaang ito sa mga tao, lalong-lalo na sa mga maliliit!
This is indeed a fucking “republic”, to say the least!
May mga gago at mangmang at tukmol naman na sa halip na makiisa sa mga kapatid nating mga magsasaka at Lumad ay sinisi pa sila. Kesyo may NPA daw sa kanilang hanay, kesyo sila daw ang nagpasimula ng kaguluhan at tensyon at kung ano-ano pang katarantaduhan at nutnutang estupidong mga pahayag na hindi mapapasubaliang magmumula lamang sa mga malalansang bunganga sa hanay at uri ng mga pun—– haciendero, burgesya, ilustrado, elitista, creole, mga alta sosyedad, mga kapitalista at higit sa lahat, mga kampon ni Satanas at mga inapo ni Lucifer.
Sumasang-ayon ako kay Propesor at tumatakbong Senador Walden Bello sa kanyang tugon hinggil sa kesyo kasalanan daw ng mga Komunista at mga Makakaliwa ang buong pangyayari, para bang ang mga ito ang gumawa ng kagutuman at siyang sanhi ng pagiging manhid, tanga, hindi handa, hindi makatao, baliko at huwad na pamahalaang ito na nagpapanggap na tuwid, ngunit ang buong katotohanan ay tuwad at sagad sa kakupalan.
Ito ang pahayag ni Ka Walden:
“External agitator? I beg your pardon, sir. That’s me.
“If ever there was a demonstration that was driven by hunger, to which so-called “leftist agitators” were incidental, it was the Kidapawan rally of hungry peasants and Lumads. When even the mainstream press has discounted the role of “extreme leftists,” it is disconcerting that some supposedly progressive voices continue to insinuate the “provocative role” of “external agitators.” If I had been in Kidapawan, I would have helped organize our hungry compatriots into a march and rally for food in the teeth of threats by the police and the local administration to disperse us with force. That is what progressives do, and such actions on our part will always be labelled as “provocative” by the establishment. A rally of the hungry is no dinner party: one takes risks, one pushes the envelope, one aggressively asserts the right to rice.
“To say that farmers and their families are manipulated by organizers is to claim they have no minds of their own. It is rank elitism and it’s a lie. So once and for all, let’s bury the external agitator theory and lay the blame where it belongs: an undisciplined police force that did the bidding of a callous local administration and a bungling national government. And while we’re at it, we might as well also bury the Daang Matuwid and make sure it’s hypocritical promoters pay dearly for their deeds in four weeks’ time.” (Akin ang sukdulang diin)
Ito naman ang direkta at simpleng sagot ni kapatid na Aiza Seguerra na tuluyang dumurog sa mga lapastangan, hindot at kupal na kontensyon ng lahat ng mga hangal, sinungaling, palalo, mga dayukdok at mga oportunistang ito.
Ito ang kanyang pahayag laban kay kupal at oportunistang talakerang gobernadora daw at mga kampon at kauri niya:
“Dear Governor Lala Mendoza:
“Hindi po nakakain ang pride. Now that the Filipino people are stepping up to help sasabihin nyo insulto sa inyo. Propaganda naman dahil ibang kandidato ang nagbigay ng pledge ng bigas. Kung yung kandidato mo kaya ang nagbigay ng bigas, will you say the same thing? Yan ang hirap sa inyo at mga kampon ninyo eh. Sa gitna ng sakuha eh ang iniisip nyo pa rin ay politika. Kung binigay nyo lang yung hinihiling nila, hindi mangyayari to.
“You were elected to serve the people. They trusted you. But now, there blood is in your hands.
“Tao ang dapat nauuna. Hindi politika.” (Akin ang diin)
Isang linggo na ang lumipas, ang pang-gulo daw ng bansang ito ay ni hindi pa din nagpapahayag ng kung anuman hinggil sa nangyaring Mendiola Massacre Part II. Ito ay nagtulak kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles upang sabihin ng tuwiran at direkta na:
“Kakulangan sa pag-aasikaso natin sa pagtulong sa mga mahihirap, na nagpapakain naman sa atin. Sila ang nagdadala ng pagkain sa ating mga hapag – ang mga magsasaka. We should care for them…”
Idinagdag pa ng nasabing pari na:
“Our government will not be a legitimate government unless they make it a priority to protect yun mga kawawa…” (Akin ang sukdulang diin)
Muli, hayaan po ninyong muli kong itanong ang aking katanungan sa itaas:
“Saan ka nakakita ng bansa na nagdedemonstrasyon ang mga magsasaka na ilang buwan nang gutom at tunay na hikahos gawa ng pagtuyot na dulot ng EL Nino, upang humingi ng tulong, ayuda at bigas sa pamahalaan, ngunit sa halip na sila ay tulungan ay karahasan at kalupitan ang kanilang natanggap?”
Ibig ko ding idagdag na, bakit lagpas isang linggo na matapos ang nasabing madugong pangyayari ay ni wala man lamang pahayag na personal ang tinatawag na “presidente” daw ng bayang ito?
Ganun ba siya ka-busy? Ganun ba siya kaabala sa kanyang pag-iintindi sa buong kalalagayan ng bansa?
Ganito ba ang turing nya sa sinasabi nyang mga boss daw niya, diumano?
Putang-ina to the max!
Onli in the Pelipins!
Kakatwa, ngunit tunay na nakatutuwa at nakatataba ng puso na matapos ang pangyayari sa Kidapawan ay agad na nagsiresponde’t tumugon, tumulong at nakiisa ang mga artista’t mga tunay na mga alagad ng sining ng Bayan.
Dagling nagtungo roon si kapatid na Robin Padilla, hindi lamang para makiisa’t dumamay sa ating mga kapatid na mga magsasaka, kundi upang bigyan din sila ng mga sako-sakong mga bigas.
Mabuhay ka, kapatid na Binoe!
Hindi din matatawaran ang ambag at pakikiisang tunay ng mag-asawang Aiza Segurra at Lisa Dino.
Bukod sa kanilang suportang-moral mula pa noong umpisa, sila din ang nanguna’t nagpasimula ng pagkuha’t paglikom ng mga tulong at donasyong salapi na siyang gagamiting pangpiyansa ng mga kapatid nating patay-gutom na mga magsasaka’t Lumad na sa halip na tulungan ng gagong pamahalaan ay kinasuhan pa!
Mabuhay kayo!
Pagpupugay din ang ibig kong ipaabot kay Binibining Nora Aunor! Mabuhay ka Ate Guy! Tama ka, kahit noon pa! Walang himala, sapagkat ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Mabuhay po kayo! Kayo ay hindi lamang tunay na artista ng Bayan, kundi lantay na Pambasang Alagad ng Sining! Mabuhay po kayo!
Pasasalamat at pagpupugay din kina kapatid na Angel Locsin, magkapatid na Anne at Jasmine Curtis, Daniel Padilla at sa lahat po nang nagbigay suporta’t pakikisa para sa labang ito. Mabuhay po kayo!
Maliwanag na ipinapakita ng inyong akto’t gawi na madilim man ang mga alapaap at ulap na dumaraan sa aking papawirin, ay tunay na may pag-asa at muling sisilab ang maluwalhati at makatarungang sikat ni Amang Araw.
Muli, mabuhay kayo mga kapatid! Mabuhay po kayo! Mabuhay po kayo! Mabuhay po kayo!!!!
Tuloy ang Himagsikan!
Padayon!
#BIGASHINDIBALA!
#MAYPAGASA!!!!
Jose Mario Dolor De Vega
Unibersidad de Manila
Instruktor ng Pilosopiya at Agham-Panlipunan
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.
Like this:
Like Loading...