Vote for this event for the 5th HR Pinduteros’ Choice Awards

Mahal Naming Mga Kaibigan,

Maalab na pagbati!

Iniimbita namin kayo na makibahagi sa book launching ng Hasik 1: Bigkis ng Unang Ani; Koleksyon ng mga Akdang Pangkultura ng Kilusan (Oktubre 30, 2011- Disyembre 31, 2013), sa Disyembre 13, 2014 sa Rooftop ng gusali ng Manggagawa sa Komunikasyon ng Pilipinas (MKP) sa # 22-A Domingo Guevarra St. Highway Hills, Mandaluyong City sa ganap na alas- 5 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi.

kpd logo

Ang halaga ng sponsorship copy ng Hasik 1 ay P500. Ang regular na presyo ay P350 ang book paper at P250 sa newsprint bawat kopya.

Ilalaan ng Kilusan ang kikitain sa librong ito sa patuloy paglalathala ng magasin at iba pang balak na publikasyon.

Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa mga pagsisikap na ito na makaabot ang mga balita, analisis at mga akdang pangkultura sa mamamayan tungo sa pagbubuo ng pananaw at paninindigan sa mga usaping pambayan at panlipunan na kinakaharap ng sambayanang Pilipino.

Mangyaring makipag ugnayan lamang kay Ana sa email : masiranganaldaw@yahoo.com o sa text: 09326795369.

Para sa Kilusan
Atty. VIRGINIA LACSA SUAREZ
Secretary General
Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (Kilusan)
Kasapi, Lupong Patnugutan

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading