[Press Release] Mga benepisyo para sa guro, wala pa rin -TDC

Mga benepisyo para sa guro, wala pa rin

Buwan ng Disyembre subalit hinihintay pa rin ng mga guro ang dalawa sa mga bonus na ipinangako sa kanila ng gobyerno, ang Performance-Based Bonus (PBB) at ang Productivity Enhancement Incentive (PEI). Ayon sa grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC), ang PBB para sa taong 2013 at nagkakahalaga mula P5, 000 hanggang P35, 000 ay hindi pa rin naibibigay sa mga guro samantala ang PEI para sa taong ito na nagkakahalaga ng P5, 000 para sa lahat ng empleyado ng gobyerno ay wala pa ring guidelines hanggang sa kasalukuyan.

TDC

“Mahaba na rin ang paghihihtay ng mga guro at kawani sa mga bonus
na ito at sa tingin naming ay masyado naman nang winalang-bahala ng pamahalaan
ang aming serbisyo.” Ani Benjo Basas, guro sa Caloocan City at pambansang
tagapangulo ng TDC.

Idinagdag pa niya na bagamat hinihintay nila ang pagbibigay
ng PBB at PEI ay patuloy naman silang tumututol sa iskema ng performance-based
incentive system (PBIS), ang siyang batayan ng PBB at PEI na bahagi naman ng
Executive Order No. 80 na nilagdan ng Pangulong Noynoy Aquino noong 2012.

“Ito na lamang ang tanging insentibo na iginawad ng gobyerno sa amin matapos na paulit-ulit silang maging bingi sa aming hinaing para sa umento sa sahod, kaya lalo pang nakalulungkot na patuloy itong nade-delay. Patunay lamang na komplikado ang iskema o talagang walang pangangalaga sa mga guro ang pamahalaan.” Himutok ni Basas.

Sa ilalim ng PBIS, makatatanggap ang lahat ng guro at kawani
ng pamahalaan ng PEI na nagkakahalaga ng P5000 at ng karagdagang
performance-based bonus (PBB) na mula P5000 hanggang P35, 000 batay sa kanilang
performance.

Gayunman, ayon pa rink ay Basas ay tila nalinlang umano ang
mga guro sa pahayag ng gobyerno sapagkat tanging isang porsiyento (1%) lamang
ng lahat ng mga kawani ang maaaring makatanggap ng P35, 000 na PBB gaano man
magsikap ang lahat na paghusayin ang kanilang trabaho, bukod pa sa komplikado
at mga hindi patas na mga batayan sa performance rating system ng pamahalaan
lalo na sa Department of Education (DepEd). Sa halip, nanawagan ang TDC kay
Pangulong Aquino at sa DBM na panatilihin na lamang ang P10, 000 PEI na
natatanggap nila mula pa noong taong 2007 kung hindi ito maitataas sa P15, 000
kada empleyado. Ayon pa sa grupo, ito’y mas praktikal, patas at matipid at
hindi magiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga kawani.

Ibinunyag din ng TDC na ang PBB para sa taong 2012 ay
naibigay lamang sa kanila noong Hulyo 2013 at ang mas masaklap, ang PBB para sa
taong 2013 na ayon sa guidelines ng DepEd ay dapat sana’y matanggap ng mga guro
noong Oktubre 2014 ay hindi pa rin naibibigay hanggang sa kasalukuyan.
Samantala ang PEI naman para sa taong kasalukuyan ay wala pa ring panuntunang
inilalalabas ang DBM.

“Dahil dito, mukhang Paskong tuyo na naman ang mga kawani at guro.” Pagtatapos ni
Basas.

Reference:
Benjo Basas, national chairperson, 09205740241

NEWS RELEASE
December 4, 2014

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s