[Tula] Kartilya ng mabuting loob. ni Gregorio V. Bituin Jr

KARTILYA NG MABUTING LOOB
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod

pawang kasapi sila ng bunying Katipunan
na gabay ang Kartilya, mabuting kalooban
buhay na di ginugol sa banal na dahilan
kahoy na walang lilim, buhay na sayang lamang.

kung pawang pansarili yaong nasasaloob
di pakikipagkapwa sa puso’y nakalukob
paano na ang iba kung ang nakakubakob
sariling ginhawa lang ang sa kanya’y marubdob.

Kartilya’y mahalaga, gabay sa pagkatao
sadyang Katwiran yaong nangungusap sa iyo
ipagtanggol ang api, kapwa’y paglingkuran mo
at sa lahat ay dapat pantay-pantay ang pagtrato.

ang kabanalang tunay ay pagkakawanggawa
lalo pang mahalaga’y ang pag-ibig sa kapwa
at sa taong may hiya, salita’y panunumpa
ang loob ay linisin nang di maging kuhila.

naghihimagsik tayo laban sa kasamaan
at ipinaglalaban ang talagang Katwiran
dapat nating taglayin ang mabuting kalooban
upang di mapahamak ang kapwa, uri’t bayan.

namnamin nating buo yaong Kartilyang ito
bilang gabay ng ating buhay at pagkatao
kung tamaan man kita ng problema’t delubyo
ay nakatindig pa rin tayo nang taas-noo.

Greg

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s