[Statement] Mga guro hindi pa rin bayad ng COMELEC -TDC

Mga guro hindi pa rin bayad ng COMELEC

Higit isang linggo matapos ang halalang pambarangay, marami pa ring mga guro na nagsilbing board of election tellers (BET) ang hindi pa rin nakatatanggap ng kanilang honorarium. Gayundin ang mga nagtrabaho bilang barangay board of canvassers (BBOC), support staff at mga supervising officials.logo TDC
Mga guro ang umuupo bilang BET, (kung minsan naman ay maaring hindi rin guro ang 3rd member kung hindi sapat ang bilang nila). Samantala, ang BBOC naman ay mga chairman din ng mga BET mula sa mga presinto sa isang barangay. Ang mga support staff ay kadalasang mga utility personnel sa paaralan at ang supervising official ay yaong mga principal o department heads. Lahat sila ay mga tauhan ng Department of Education (DepEd).

Magkano ba ang dapat nilang matanggap? Para sa mga BET, dapat silang makakuha ng kabuuang halagang P2, 500.00, ang P2, 000.00 ay para sa honorarium at at P500.00 naman ay para sa transportation allowance. Sa supervising official ay P1,000.00 ang bayad, samantala P500.00 sa support staff.

Kung tutuuisin, napakaliit ng halagang ito kumpara sa trabahong ginawa ng bawat isa. Lahat sila- BET, supervisor, support staff ay nagtrabaho ng higit 24 oras nang walang patid. Kaya naman, karapat-dapat lamang silang mabayaran nang wasto. At dapat ay hindi na matatagalan kagaya ng muli na namang naranasan ng mga guro ngayon.

Hanggang ngayon ay may ilan pang mga guro mula sa Caloocan, Quezon City, Marikina, Maynila, Dasmarinas, Pasay, Mandaluyong, San Juan at Las Pinas ang hindi pa rin nakatatanggap ng kanilang kabayaran. Anuman ang kadahilanan ng delay na ito ay hindi ito kasalanan ng mga guro.

Ang pag-upo sa eleksiyon ay isang trabahong ginagawa ng mga guro alinsunod sa mandato ng batas at nasa Comelec at gobyerno ang obligasyon upang matiyak na ito ay magiging maayos. #

Nobyembre 5, 2013

Reference: Benjo Basas, National Chairperson, 0920-5740241
Teachers’ experiences in their respective areas were posted as comments in TDC’s Facebook account an page: https://www.facebook.com/pages/Teachers-Dignity-Coalition-TDC/136307986398924?ref=br_tf

https://www.facebook.com/teachers.dignity?fref=ts

Hotline: (02)3853437 • Telefax (02)4350036 • Mobile: 0920-5740241
Email: teachersdignity@yahoo.com.ph • Website: http://www.teachersdignity.com/

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s