[Update/Campaign] Makati Commercial Estate Association Pinababaklas ang DEU Piketlayn -DEU

Makati Commercial Estate Association Pinababaklas ang DEU Piketlayn

Photo by DEU

Photo by DEU

Makati— Tuloy-tuloy ang harassment sa mapayapang picketlayn ng mga Digitel Employees Union (DEU) sa PLDT Main Office sa Makati, kung dati mula sa mga security guards ng kumpanya, ngayon nama’y mula sa MAPSA at Makati Commercial Estate Association (MACEA).

Bandang alas-diyes y medya ng umaga ng April 27, dumating si Major Castor kasama ang 2 eskort na pulis ay inispeksyon ang piketlayn ng mga manggagawa ng DEU, kung saan ilan sa kanila ay nagsasagawa ng hunger strike. May pumaradang isang police mobile sa dulo ng piketlayn, at isa pang police mobile ay pumarada naman sa kalsadang katapat ng picketline.

Alas diyes singko ng umaga, dumating ang MAPSA at hinanap ang mga DEU officers, pagkaraan ng ilang minuto ay sila rin ay umalis.

Pagkaraan ng 20 minuto, dumating sa piketlayn ang Infra Security na may dalang order mula sa MACEA Ayala kung saan pinatatanggal ang mga streamers at placards sa mga perimeter railings, sa kadahilang ito’y “ private property “. Kasama din nila si Eduardo Balagot, tumatayong OIC ng naturang asosasyon at limang security personnel: Agapito J. Z, Avina R.R., Novaza, J.G., Lambayong R. G. at isa pang hindi nakikilalang guard.

Mula 10:50 n.u. – 11:20 n.u. ay nakipag-negasyon ang naturang mga manggagawa na huwag nang tanggalin ang mga naturang placards at streamers na nuo’y nakasabit sa naturang lugar.

Ayon sa mga saksi, bago baklasin ang mga streamer at placards naringgan si Balagot na animo’y nagbabanta ng sabihin nitong “Gusto ngo pa pwersahan ha?”

Nagsilibi namang mga “look-out” ang mga pulis na kasama nila na nakapwesto sa magkabilang dulo ng Piketlayn habang isinasagawa ang pagbabaklas. Ang MACEA ang nakakasakop sa mga “perimeter grills” o bakod ng sidewalk sa paikot ng Legaspi at Salcedo Village.

Ang nakakapagtaka nito, sinabihan ang mga manggagawa ng DIGITEL na iyon daw ay “private property” kaya bawal paglagyan ng mga panawagan at kung gusto nila na mabasa ang mga ito ay hawakan na lamang.

Hindi ito ang unang beses na hinarass ang mga manggagawang nanawagan na ipatupad ng PLDT-DEU ang naayon sa desisyon na korte suprema na harapin sila sa negasyon at humakbang upang tiyakin ang kanilang seguridad sa trabaho. Matatandaang nuong Abril 21, alas tres ng umaga ay itinaboy ng mahigit na isandaang gwardiya ng PLDT ang mga empleyado ng Digitel mula sa harapan ng gusali nito patungo sa naturang sidewalk.

Photo by DEU

Photo by DEU

DIGITEL EMPLOYEES UNION [DEU]
NEWS ALERT
April 27, 2013

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

One thought on “[Update/Campaign] Makati Commercial Estate Association Pinababaklas ang DEU Piketlayn -DEU

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.