Pahayag ng Digitel Employees Union (DEU)

Ayaw namin sa ERP-Rehire, lalong AYAW namin sa SARA-Tanggal!
Integrate and ABSORB Digitel employees – YES!
… at pasimulan ang CBA nego – Ito ang aming GUSTO! Now na!!
Pebrero 2013, wala pang isang taon matapos mabili ng PLDT ang Digitel, ini anunsyo ng PLDT ang pagsasara ng Digitel upang isanib ang operasyon nito sa PLDT! Ang mga empleyado ng Digitel ay pinag a avail ng Voluntary Retirement Program (VRP) Early Retirement Program (ERP) bilang kondisyon para mabayaran ng 190-250% separation pay at may prayoridad daw na ma “re-hire”. Ang di mag a avail ay i- re redundant at ang bayad sa separation pay na ayon na lang sa isinasaad ng batas.
Pagsasara at pagtatanggal upang palitan ang mga regular na manggagawa ng kontraktwal, mula sa dating tuwirang empleyado ay itatalaga at o mula sa outsourcing o manpower agencies. Labag ito sa karapatan ng mga manggagawa na ginagarantiyahan ng batas . Labag din ito sa DESISYON/ RESOLUSYON ng Korte Suprema . Salungat din ito maging sa batas ng korporasyon , na nagsasabing mananagutan sa mga empleyado ng biniling kumpanya ang bumiling kompanya.
Trabaho hindi bayad o mag VRP/ERP. Bakit ba kailangan pang mag VRP/ERP bago i re-hire ng PLDT? Bakit tatanggalin ang mga manggagawang gusto pang manatili sa trabaho para palitan ng mga (dating) manggagagawa ng outsourcing company.
Mga kaganapan bago ang pagbili ng PLDT sa Digitel.
Bago ang pagbili ng PLDT sa Digitel – sunod sunod ang pagkatalo ng Digitel manedsment sa mga kasong isinampa ng Digitel Employees Union (DEU) sa DOLE, NLRC, Court of Appeal hanggang Supreme Court. Sa ganitong kondisyon umentra ang PLDT para “bilihin” ang Digitel kapalit ng 12% shareholding sa PLDT Holding pabor sa DJ Summit Holdings na siya ring may-ari ng Digitel na pag-aari din ni John Gokongwei.
Matapos ang “bilihan” / shareholdings swapping, hindi nagpatumpik tumpik ang PLDT – ipinagpatuloy nito ang Voluntary Resignation Program (VRP) /Early Retirement Program (ERP) na napasimulan na ng Digitel. Nauna dito ang serye ng Mass Lay off – una ay noong Marso 2005, sinundan noong taong 2007, 2008 upang makaiwas daw sa pagkalugi. Mass Lay off naman noong 2010, dahil umano sa restructuring program ng Digitel. Hanggang maganap ang “bentahan” noong taong 2011, ang kakatwa walang taon sa panahong nagtanggal na nalugi ang Digitel. Samantala matapos “ibenta” / sharewap ay nakakuha ng P1Billion na dibedendo sa PLDT si Gokongwei na may ari ng Digitel noong huling kwarto ng taong 2012 na di pa nangyari sa kasaysayan ng Digitel.
Oktubre 8, 2012, sa wakas bumaba na ang DESISYON ng Supreme Court – inayunan nito ang mga naunang DESISYON ng DOLE Secretary, NLRC at Court of Appeal na nagsasabing;
1. For Digitel to Commence CBA negotiation with the union. The pendency of a petition for cancellation of union registration does not preclude collective bargaining.
2. Affected workers be reinstated and with full pay full back wages for –
Digiserv is a labor-only contractor and or just one department of Digitel thus; affected workers due to its closure were illegally dismissed,
3. Pay each affected employees P10,000 moral damages and P5,000 exemplary damages for finding DIGITEL guilty of Unfair Labor Practice for – closure of Digiserve and replace it with I-tech andl dismissal of affected employees mostly union members and officers is illegal and done in bad faith; also violation of the Assumption Jurisdiction Order, .
Sa halip na ipatupad ang DESISYON – na makipagnegosasyon sa unyon at ibalik ang mga apektado/tinanggal na empleyado, tuwirang sinalungat ng Digitel/PLDT ang Kautusan ng Korte Suprema at Writ of Execution ng DOLE Secretary. Ikinatwiran ng Digitel/PLDT wala ng dahilan para makipagnegosasyon pa siya dahil wala ng manggagagawa ang DIGITEL.
Paninindigan ng mga manggagawa ng Digitel – una; i absorb ng PLDT ang mga empleyado ng Digitel at pasimulan na ang CBA negotiation. ikalawa; kung ini-integrate ang operayon ng Digitel sa PLDT, dapat I absorb ang mga empleyado, pangatlo; gusto pa nilang patuloy na magtrabaho at hindi sila nag avail ng ERP/Redundancy, pang-apat; hindi naman totoong nawala ang trabaho na ginagampanan ng mga tinatanggal bagkus pinalitan lamang sila ng kontraktwal.
Pagsusuri ng DEU; Voluntary o Early Retirement, Clossure at integration ng operation- maniobra at palusot para iwasan ang DESISYON ng Korte – kasi po kapag kusang nagresign o nag avail ng early retirement … tapos na ang kwento ng mga nagawang paglabag sa batas o pagyurak sa karapatan ng mga manggagawa (ULP). Ang closure integration naman ay iskema para lusawin ang Unyon at palitan ng kontraktwal ang mga regular na empleyado ng Digitel.
Ang pinakahuli ay ang lantarang pagsuway sa DESISYON at KAUTUSAN ng Korte Suprema at Writ of Execution na ipinag uutos ng Secretary of Labor.
Batid naming mabigat ang labang ito sa dalawang dambuhalang kompanya – DIGITEL at PLDT ! Kung kaya kami po ay umaapela sa kapwa namin kamanggagawa at sa mamamayan na kami ay inyong tulungan at samahan sa labang ito.
Retire/Resign – REHIRE, No Way!!!
Pagsasara at Digitel Integration of operation sa PLDT,
Pwede basta mga empleyado isama sa integration at ‘di redundancy!
Tama na ang mga palusot at maniobra !
DEU kilalanin na, CBA Negotiation simulan na, Now na !
Digitel Employees Union (DEU)
Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan (MAKABAYAN)
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.
Like this:
Like Loading...