Noong Marso 9, 2010, bandang 8:30 ng gabi, pilit na tinangay ng mga di kilalang mga tao na pawang mga armado sina Daryl Fortuna at Jinky Garcia at isinakay sa isang kotse. Sila ay dinukot habang balot sa kadiliman ang buong komunidad ng Sitio Matalvis, Barangay Inhobol, Masinloc, Zambales dahil sa brownout.

Ayon sa salaysay ng isang nakakita, nakausap nito ang isa sa mga sundalo na nagro-ronda at kinumpirma na ang dalawang dinukot ay kasama ng mga taong naka uniporme at may palatandaan o simbolo ng “ARMY.”

Nang mangyari ang sapilitang pagwala, ang dalawa ay pawang aktibo sa pag-organisa nang mga komunidad sa hilagang parte ng Zambales dahil sa usaping pagmimina at ang mga nakakasirang epekto nito. Habang naninirahan sa nasabing lugar, sila ay nangangalap ng mga impormasyon tungkol sa epekto ng mina habang tinutulungang maiangat ang kamalayan ng mga mamamayan upang mahusay na mapaninindigan at malalabanan ang mapamuksang dulot nito.

Ayon sa mga magulang ni Daryl Fortuna, ang kanilang anak ay nakatakdang magtapos sa Polytechnic University of the Philippines at nagsasagawa ng kanyang thesis project sa nasabing lugar.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natagpuan sina Daryl at Jinky Garcia na parehong biktima ng sapilitang pagwala tatlong taon na ang nakalipas. Kasama ang kanilang mga kaanak, patuloy pa ring naghahanap ang FIND upang matunton ang kinaroroonan ng dalawang biktima.

Humihingi po kami ng inyong tulong. Kung kayo po ay may alam o anumang impormasyon sa kinaroroonan nina Jinky at Daryl, paki tawag o ipaabot po sa FIND sa telepono at address na makikita sa ibaba:
Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND)
4D Maningning corner Maamo Streets
Sikatuna Village, Quezon City
Tel. No. 921-0069
mail@find.org.ph
http://www.find.org.ph

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

One response to “[Appeal] Still Missing: Daryl Fortuna and Jinky Garcia -FIND”

  1. Hi, Ako si Marie Vic II B. Achacoso, 22 years old,merun ako anak na 1, girl,Hindi pa ako kasal sa ama ng anak ko..Nagreklamo kasi ako s brgy. namin dahil sa paninirang puri ng aking uncle,sinasani nya na kabit lang daw ako, kahit hindi naman, at ari (puke) ko lang daw ang ginagamit ko,.. Kada malalasing sya ganun sinasabi nya, pagkatapos ko sya reklamo s brgy. matapang pa sila, at sinasabi na wala daw kami laban, kahit na nakarecord lahat ng sinabi nila laban sakin,, san ako pwede humingi ng tulong, Pati ang lolo ko na tatay ng uncle ko,sinsabihan na rin ako, dahil daw nireklamo ko ang anak nila,..tulungan po nyo ako…

    Like

Leave a reply to Marie Vic Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading