Noong Marso 9, 2010, bandang 8:30 ng gabi, pilit na tinangay ng mga di kilalang mga tao na pawang mga armado sina Daryl Fortuna at Jinky Garcia at isinakay sa isang kotse. Sila ay dinukot habang balot sa kadiliman ang buong komunidad ng Sitio Matalvis, Barangay Inhobol, Masinloc, Zambales dahil sa brownout.
Ayon sa salaysay ng isang nakakita, nakausap nito ang isa sa mga sundalo na nagro-ronda at kinumpirma na ang dalawang dinukot ay kasama ng mga taong naka uniporme at may palatandaan o simbolo ng “ARMY.”
Nang mangyari ang sapilitang pagwala, ang dalawa ay pawang aktibo sa pag-organisa nang mga komunidad sa hilagang parte ng Zambales dahil sa usaping pagmimina at ang mga nakakasirang epekto nito. Habang naninirahan sa nasabing lugar, sila ay nangangalap ng mga impormasyon tungkol sa epekto ng mina habang tinutulungang maiangat ang kamalayan ng mga mamamayan upang mahusay na mapaninindigan at malalabanan ang mapamuksang dulot nito.
Ayon sa mga magulang ni Daryl Fortuna, ang kanilang anak ay nakatakdang magtapos sa Polytechnic University of the Philippines at nagsasagawa ng kanyang thesis project sa nasabing lugar.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natagpuan sina Daryl at Jinky Garcia na parehong biktima ng sapilitang pagwala tatlong taon na ang nakalipas. Kasama ang kanilang mga kaanak, patuloy pa ring naghahanap ang FIND upang matunton ang kinaroroonan ng dalawang biktima.
Humihingi po kami ng inyong tulong. Kung kayo po ay may alam o anumang impormasyon sa kinaroroonan nina Jinky at Daryl, paki tawag o ipaabot po sa FIND sa telepono at address na makikita sa ibaba:
Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND)
4D Maningning corner Maamo Streets
Sikatuna Village, Quezon City
Tel. No. 921-0069
mail@find.org.ph
http://www.find.org.ph
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.




![[Statement] Statement of the Commission on Human Rights calling for urgent action to end red-tagging and protect human rights defenders](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/05/690754548_1382376907250223_2689451902965245959_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] From Marihangin to Pag-asa: Fisherfolk Solidarity in the West Philippine Sea | PAKISAMA](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/05/images.png?w=266)
![[Statement] MacArthur residents dismayed at “failure” of dialogue with mining firm and MGB | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/05/687991444_947021417957071_288596852451663588_n.jpg?w=1024)
Leave a comment