SAPILITANG PAGWALA: Patuloy na Kalbaryo ng mga Kaanak at Biktima
Abril 4, 2012
Taon-taon ay ginugunita sa buong daigdig ang pagpapahirap at pagsasakripisyo ni Kristo Hesus.
Bagamat hindi mapapantayan, ni matatapatan ninuman ang sakripisyo ng Dakilang Manunubos sa krus, hindi maiwasang ihambing ang pagdurusang naranasan at patuloy na dinaranas ng mga pamilya at kaanak ng mga iwinala. Sila na ang tanging hangad ay ang pagbabago ng sistema at isang makatarungang lipunan, gaya ni kristo sila ay hinatulan at itinuring na kaaway nang may mga kapangyarihan. Ang pagkakaiba lamang, sila ay iwinala at karamiha’y hindi pa natatagpuan ang mga katawan.
Katulad ni Maria na ina ng Panginoong Hesus, ang mga pamilya ng mga biktima ng sapilitang pagwala ay dumadanas nang napakahabang paghihirap ng kalooban at isipan. Ngayong araw ng Kwaresma ay muling nanariwa ang pangulila ng mga magulang, kapatid, asawa, anak at kaibigan; pagdurusang mistulang mga hagupit sa damdamin at kalooban ng nawalan.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang insidente ng sapilitang pagwala. Patunay dito ang mga naitalang mga kaso mula pa nuong rehimeng Marcos hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Simeon Benigno C. Aquino III.
Ang paghahangad ng katarungan ay hindi natatapos sa paghahanap, pagtukoy at pagkuha ng mga katawan maging ang kinaroroonan ng mga biktima ng sapilitang pagwala, kailangan din mapanagot ang mga may kagagawan nito.
Ito ang dahilan kung kaya’t ang FIND, o Families of Victims of Involuntary Disappearance ay nagsusulong na maisabatas ang House Bill 98 na kumikilala sa sapilitang pagwala bilang isang natatanging krimen. Ang H.B. 98 ay nagpaparusa sa ahente ng gobyerno at mga kasabwat na nagsagawa ng sapilitang pagwala ng isang tao. Kasabay nito ay ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga kaanak ng mga biktima. Ang nasabing batas ay nakapasa na sa pangatlo at huling pagbasa, samantalang ang Senate Bill 2817 na parehong panukala ay nakapasa na at naghihintay na lang na pag-isahin sa isang Bicameral Conference.
Kaya sa ating pagninilay ngayong panahon ng kwaresma, nararapat lamang na ating kilalanin at gunitain ang sakripisyong dinaanan ng mga kapatid nating desaparecidos. Ang kanilang determinadong pakikibaka upang baguhin ang di makatao, mapang-api at di makatarungang lipunan ay nagiging inspirasyon ng mga pamilya’t kaanak na ipagpatuloy ang kanilang sinimulan at huwag mawalan ng pag-asa.
Panahon nang pag-ibayuhin ang ating pagsusulong ng hustisya para sa mga biktima ng sapilitang pagwala at wakasan ang karahasan at kaapihan sa tulong at gabay ng ating Panginoong Tagapagligtas.#
Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND)
Tel. No. 921-0069
http://www.find.org.ph
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.
Related articles
- Firecrackers and children (thedoctorisinthebathroom.wordpress.com)
- Gifted Star banishes mom from inner circle (entertainment.inquirer.net)
- Friendly Chat: One Day in the Life of… (drippingmind.wordpress.com)
- [Isyung HR] GrrrrrrrrEEEEEED! (hronlineph.com)



![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment