MGA TAONG PAGONG
ni Gregorio V. Bituin Jr.

dahil sa karalitaan, kawalan ng tahanan
naglipana ang mga taong pagong sa lansangan
usong-usong yaong karitong nagsilbing tirahan
bawat kariton, isang pamilya ang nananahan

usong-usong ang bahay saan man sila magpunta
modernong pagong nitong lungsod kung tawagin sila
saang panig man ng kalunsuran ay makikita
sa gobyerno’t mayayaman, sila’y puwing sa mata

bakit sa kabila ng laksang kaunlaran ngayon
marami pa ring naghihirap, naging taong pagong
sila ba’y dinemolis kaya bahay nila’y usong?
laging tinataboy dahil bahay nila’y kariton

dukha ka man, karapatan natin ang magkabahay
di tulad ng usong na karitong gigiray-giray
nais nati’y bahay na mapapaghingahang tunay
di tulad ng karitong di naman totoong bahay

Source: GregStar AlwaysSomewhere @ Facebook

One response to “[Literary] Mga taong pagong ni Gregorio V. Bituin Jr.”

  1. o.k po yung tula……sana magising naman sila
    mga taong nagtutulog-tulugan para sa kalagayan ng iba
    mga pinuno’t elistista na tila walang pakialam sa nasa
    mga kalagayan ng lipunan lagi na lang baliwala
    …………………………………………………….Plaridel Dela Cruz

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading