OFWs: The True Story
By tomjonesnko, definitelyfilipino.com
March 1, 2012
Ikaw ba ay isang OFW? Tulad ng ibang manunulat, ako din ay isang OFW. Tama ang sinasabi nila na kung di ka OFW maaring di mo maiintindihan ang aming nararamdaman at pinagdadaan. Pero mayroon pa rin namang ilan na kahit hindi sila OFW ay nalalaman at naiintindihan nila ang aming sitwasyon.
Bakit nga ba kailangan umalis ng mga taong ito para makipagsapalaran sa ibang bansa o bayan? Bakit kailangan nilang magtiis, makisama at makihalubilo sa ibang lahi? Bakit nga ba pag sinabing OFW ang tingin nila mayaman, maraming pera at kung anu-ano pa? Ilan lamang yan sa mga tanong na bibigyan natin ng kasagutan base sa aking sariling karanasan….
Bakit nga ba kailangang umalis ng mga taong ito para makipagsapalaran sa ibang bansa o bayan?
Ang isang tao na dumaan at lumaki na sa hirap, walang ibang hangad para sa kanilang pamilya kundi ang kagustuhang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanilang pamilya. Dahil likas sa ating mga Pilipino na maging mapagmahal sa pamilya, lahat ay gagawin at titiisin para sa kanila. Isa sa pinaka malaking dahilan ng paghihirap ng sambayanang Pilipino ay ang pagiging corrupt ng mga opisyal at ahensya ng gobyerno sa atin. Hindi man lahat ngunit karamihan ay corrupt. Ang mayayaman lalong yumayaman at ang mahihirap lalong naghihirap. Minsan naiisip ko, parang mas maganda pa nung panahon ni Marcos. Oo, di ka pwedeng magsalita ng di maganda sa gobyerno, pero hindi naman ganito kahirap ang buhay. Ang mga bilihin ay mura at malaki ang value ng pera natin.
Read full article @ definitelyfilipino.com



![[Press Release] Women and Child Rights Advocate Sally Ujano Acquitted of Rebellion; Freed After Court Appeals Ruling | Free Sally Ujano Group](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/03/fb_img_1774597247993.jpg?w=1024)
![[Video] Anong Talak ng Woke na Taumbayan?](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/03/fb_img_1774329031398.jpg?w=1024)
![[Statement] TDC Statement on the three grading period](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/03/fb_img_1774326816689.jpg?w=1024)
![[Statement] Reveal true solutions to the country’s water problem: More than conservation, water privatization must end | PMCJ](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/03/1004.jpg?w=1024)
Leave a comment