[Isyung HR] Mga Mokong banat and pick-up lines 2011
Usong uso ang pamatay na pick-up lines nitong 2011. Kaya naman sumubok ang ilang mga Mokong at Mokang to draft their own bilang pamaskong handog…eto ang Mokong banat and pick-up lines, one more time…
Mokang: (to Palparan) Lakwatsero ka ba?
Palparan: Bakit? Kasi hanggang sa panaginip mo nakakarating ako.
Mokang: Hindi. Hindi ka kasi mahuli-huli e.
Rights groups: (to Palparan) Sana ulan ka at lupa na lang ako.
Palparan: Bakit? Para kahit gaano kalakas ang patak ko, sa iyo pa rin ang bagsak ko? Hehehe.
Rights groups: Hindi. Para kahit makatakas ka at makalipad, sa kin pa rin ang bagsak mo at nang mapakulong kita. Hehehe!
Palparan: Hindi naman ako tubig. Pero bakit sila uhaw sa ‘kin?
Mokong: Hindi kami uhaw sa ‘yo. Uhaw kami sa hustisya!
Mokong: (to PNoy)May kakambal ka ba?
PNoy: Wala. Bakit? Kasi I’m in your heart, yet I’m in your mind.
Mokong: Buti na lang wala kang kakambal. Hahaha!
Biktima ng Sendong: (to illegal loggers) Maghanda ka na ng salbabida…
Illegal loggers: Kasi lulunurin mo ako sa pagmamahal mo.
Biktima ng Sendong: Hindi. Lulunurin kita sa baha!
Biktima: (to all greedy businessmen) Bagyo ka ba?
Greedy: Bakit?
Biktima: Kasi the moment you left my area of responsibility,
You leave my life in the state of calamity
Mokang: (to PNoy) Tuwid na daan ka ba?
PNoy: Oo naman. Kaya nga diretso tayo sa pag-unlad at pagbabago.
Mokang: Oo nga tuwid na daan na may flash flood ng problema.
PALEA: (to Lucio Tan) Para kang tindero ng sigarilyo…
Lucio Tan: Bakit? I give you “HOPE”
PALEA: Hindi. You are our misFORTUNE
Biktima ng HRVs: (to GMA) Lumiliit ka yata?
GMA: Bakit? Dati kasi lampas ulo mo ko, ngayon nasa puso mo na ko?
Biktima: Hindi. Dati hindi ka maikulong, ngayon ang dali mong pagkasyahin sa kulungan.
Hanggang dito muna ulit. Maligayang Pasko po!:):):)
Pingback: Most clicked HR Bloggers’ posts in HRonlinePH.com « Human Rights Online Philippines