[In the news] Demanda vs Arroyo, binalewala ng tagapagsalita ng dating pangulo – Pinoy Abroad – GMA News Online – Latest Philippine News

Demanda vs Arroyo, binalewala ng tagapagsalita ng dating pangulo – Pinoy Abroad – GMA News Online – Latest Philippine News.

Source: GMAnews.tv

 

Source: topnews

MANILA – Tinawag na panggigipit lamang ang P15-milyon civil suit na inihain ng anim na miyembro ng tinatawag na “Morong 43,” laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga.

Sa text message na ipinadala sa media nitong Martes, kumpiyansa si Len Bautista-Horn, tagapagsalita at chief of staff ni Arroyo, na ibabasura lang ang kasong inihain laban sa dating pangulo na nagdiwang ng kanyang ika-64 taong kaarawan nitong Martes.

“It is really baseless and just a harassment case,” pahayag ni Bautista-Horn, sabay sabing magbibigay siya ng mas mahabang komento kapag natanggap na ang buong kopya ng reklamo na inihain laban kay Arroyo. (Basahin: Six of Morong 43 sue Arroyo, AFP officials for ‘torture’)

Bukod kay Arroyo, 10 iba pa ang kasamang kinasuhan dahil sa umano’y ilegal na pagdakip at pag-torture sa 43 health workers na hinuli ng militar at inakusahang miyembro ng rebeldeng komunista.

Ang reklamo ay isinampa nina Dr. Merry Mia Clamor, Dr. Alexis Montes, nurse Gary Liberal, Ma. Teresa Quinawayan, Reynaldo Macabenta at Mercy Castro.

Sa hiwalay na text message, nanindigan naman si Ang Galing Pinoy party-list Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo, na walang kasalanan at mahusay na pangulo ang kanyang inang si Arroyo.

“When the dust is cleared, they will realize that she is a good President,” ayon sa nakababatang Arroyo.

Ang tinaguriang Morong 43 ay dinakip sa isang raid noong Pebrero 2010 sa Morong, Rizal. Nakalaya sila bago matapos ang Disyembre matapos iutos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, sa militar na iurong ang demanda laban sa mga inakusahang rebelde. – GMA News

2 thoughts on “[In the news] Demanda vs Arroyo, binalewala ng tagapagsalita ng dating pangulo – Pinoy Abroad – GMA News Online – Latest Philippine News

  1. Pingback: From cheesy to sublime : How Kiwis perceive Pinoys « YLBnoel's Blog

  2. Pingback: [In the news] Church sues Gloria Macapagal Arroyo on slays – INQUIRER.net | Human Rights Online Philippines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.