
𝗞𝗨𝗠𝗨𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 : 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗕𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼 𝗦𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀.
—𝚂𝚊 𝚐𝚒𝚝𝚗𝚊 𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚖𝚋𝚞𝚑𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚛𝚘𝚢𝚎𝚔𝚝𝚘, 𝚖𝚊𝚢 𝚖𝚐𝚊 𝚔𝚠𝚎𝚗𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚕𝚒𝚝 𝚒𝚋𝚒𝚗𝚊𝚋𝚊𝚘𝚗 𝚜𝚊 𝚒𝚕𝚊𝚕𝚒𝚖 𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚖𝚋𝚊𝚔 𝚗𝚊 𝚕𝚞𝚙𝚊.
Samahan niyo kaming pakinggan ang boses ng ating mga mangingisda.Ang mga tunay na may kontrol ng Maynila Bay.
Sa ating reel story series, ating hihimayin ang kanilang karanasan mula sa payapang nakaraan hanggang sa mapanghamong kasalukuyan ng proyektong reklamasyon.
𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙏𝙖𝙮𝙤 𝘿𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙖𝙡𝙖𝙢?
Ang bawat metrong lupang tinatambak ay may katumbas na pamilyang nawawalan ng hanapbuhay, tirahan, at pangarap. Ang usapin ng Manila Bay ay usapin nating lahat mula sa presyo ng isda hanggang sa kaligtasan ng ating kalikasan at seguridad ng pagkain maging ang ating ekonomiya.
Panoorin ang aming serye ng panayam at makiisa sa kanilang panawagan. Gawin nating mas malakas ang boses ng mga mangingisda. Itambol ang kampanya sa Manila Bay Reclamation Projects.
Anong alaala mo sa Manila Bay? O anong mensahe mo para sa ating mga mangingisda? Ibahagi ito sa comments sa ibaba. 👇
— Pagkakaisa ng mga Samahan ng Mangingisda sa Pilipinas (PANGISDA-PILIPINAS)
#7thManilaBayParasaTaoAnniversary #BosesNgMangingisda #stopallreclamation
CancelAllECC
#tunaynarehabilitasyonsamanilabay
#PangisdaPilipinas
Read: https://www.facebook.com/share/p/1H7N9kBCC8/



![[Featured Article] Digital Rights Round-Up (January 1 to 31, 2026) | FMA](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/02/fb_img_1769939551986.jpg?w=1024)
![[Press Release] EcoWaste Coalition Tags 10 QC Stores for Selling Banned Cosmetics Contaminated with Mercury](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/02/the-ecowaste-coalition-reminds-beauty-product-dealers-that-skin-lighteners-with-mercury-is-prohibited-in-quezon-city.jpeg?w=1024)
![[Featured Article] For years, residents opposed the Atimonan coal plant. It’s greenlit anyway. | Rappler](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/02/514.jpg?w=1024)
Leave a comment