
Ang “Online Kumustahan” ay isang buwanang inisyatiba na pinangungunahan ng mga kabataan at project staff ng Samahan ng Mamamayan-Zone One Tondo Inc. (SM-ZOTO), bilang bahagi ng proyektong “Social Media Human Rights for the Urban Poor Youth”.
Layunin nitong palakasin ang kamalayan at pagtatanggol sa karapatan ng maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan at pagbabahagi ng karanasan sa online platform.
Sa kumustahang ito, tinalakay ng ating mga resource speakers ang kahulugan at kahalagahan ng Gender Equality, Disability, and Social Inclusion (GEDSI) at Karapatan sa Pagboto. Bilang kabataan, mahalagang malaman mo ang iyong mga karapatan, lalo na pagdating sa pagpili ng mga lider na magsisilbi sa iyong komunidad.
Kaya naman, Inaanyayahan namin kayong panoorin ang maikling bersyon ng kumustahan. Kung nais mong mas palalimin ang iyong kaalaman, maaari mong panoorin ang buong video sa pamamagitan ng pag-click sa link.
Para sa mga anunsyo at iskedyul ng mga susunod na kumustahan, na tatalakay sa iba’t ibang mahahalagang isyu para sa kabataan,
i-follow lamang ang aming Facebook page. https://www.facebook.com/SMZOTOINC
Disclaimer: Music/Sound is not mine, credit to the rightful owner



![[Statement] MAG and UHC Collective statement on ES Recto asking for increased PHIC benefits for direct members](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/06/2592.jpg?w=940)
![[Press Release] Rights group denounces recent rights violations under Marcos Jr. | Karapatan](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/06/fb_img_1782195606708.jpg?w=1024)
![[Press Release] ATM condemns SLAPP suit against bishop, priest and anti-mining barricade leaders](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/06/fb_img_1782177936823.jpg?w=1024)
![[Statement] A public call to end Khurram Parvez’ arbitrary detenton | FIDH](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/06/c332f759869d6c11b02851c6bc73bf.jpg?w=1024)
Leave a comment